ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
'Alabang Boys' case: Tagausig ng DOJ bumawi sa opisyal ng PDEA
MANILA â Nagkaroon ng bagong kwento ang ginagawang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa kaso ng tinaguriang âAlabang Boys" matapos ibalik ng isang prosekutor ng Department of Justice ang bintang ng panunuhol sa isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa pagdinig ng House oversight committee on illegal drugs nitong Biyernes, sinabi ni state prosecutor John Resado na si Atty. Alvaro Bernabe Lazaro, pinuno Legal Prosecution Service ng PDEA na nagtangkang manuhol sa kanya para kaagad ibasura ang kaso ng âAlabang boys." âIt's from PDEAâ¦si Atty. Alvaro Lazaro po ang tumawag sa akin para mag request. Bago pa magsimula ang inquest at pinipilit niya akong kausapin dahil alam na niya ang kalakaranâ¦matagal pa po bago nagparinig ng bribe offer," kwento ni Resado nang tanungin ni Quezon City Rep. Matias Defensor. âSabi nâya âwag kang mag-alalaâ¦noon ko pa gusto sabihin noon, mali-mali ang affidavit, mali ang laboratory report, ang pinaka-architect si Atty. Alvaro Lazaroâ¦kaya na daw niyang ayusin lahat ng document," idinagdag pa niya. Hindi binanggit ni Resado kung magkano ang suhol pero tinanggihan umano nya ito. âIf you would notice during the January 6 and 7 hearings, si Atty. Lazaro nanggagalaiti, iniisip niya na nabukulan siya at dumiretso sa akin ang nag-offer ng bribe at hindi siya nakatikim," idinagdag ng tagausig. Nilinis naman ni Resado sa alegasyon ng suhulan sina PDEA director Dionisio Santiago at Marine Major Ferdinand Marcelino na siyang nanguna sa pagdakip kina Richard Santos Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ramirez Tecson. Mariin namang itinanggi ni Lazaro ang alegasyon ni Resado na tinawag nitong kasinungalingan. âSinabi niya nagkabukulan, does it mean na tumanggap (bribe) siya at hindi ako nabigyan?" tanong ni Lazaro. Nagulat at nagduda naman sina Reps. Ruffy Biazon (Muntinlupa), Roilo Golez (Paranaque) at Niel Tupaz (Iloilo) sa isiniwalat ni Resado. âThere are two things that bother meâ¦.the credibility of a statement that came too late in the day is very low," ayon kay Golez. âThe time I submitted my affidavitâ¦.there was a gag order from the Presidentâ¦as much as possibleâ¦I don't want to be confrontational, iniiwasang lumaki ang gulo," tugon naman ni Resado. Kasabay nito, nasentro rin ang imbestigasyon sa bank account ni Resado dahil sa sulat na ipinadala sa DOJ kung saan sinabing nagdeposito umano ang opisyal ng P1.6 milyon sa Banco de Oro branch SM North Avenue sa Quezon City nang araw na ibasura ang kaso sa âAlabang Boys" noong Disyembre 2. Ayon kay Resado, P800,000 lamang at hindi P1.6 milyon ang kanyang idineposito. Galing umano ang pera sa singil sa negosyong pahulugan sa isang pamilihan na giniba na sa Tarlac. âVoluntary kong ipapakita ang original copy ng aking passbook. Hindi ko wini-waive ang karapatan na magsampa ng kaso," paliwanag niya sabay giit na malinis ang pinanggalingan ng pera. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular