ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
4 kumpirmadong patay sa malakas na pagsabog sa Cavite
MANILA â Apat ang kumpirmadong patay sa naganap na malakas na pagsabog sa isang pabrika ng paputok sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite nitong Huwebes. Tatlo sa mga nasawi ay kumpirmadong mga manggagawa ng Starmaker Fireworks factory na sina Christian Panganiban, Rodelio Iso, at Marlon Rodrin. "Paputok lang ang narinig ko," ayon kay Ryan Lucero, acting area manager ng pabrika nang makapanayam ng dzBB radio. Ayon sa ulat, duguan din si Lucero nang makita ng mga awtoridad. Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan sa ika-apat na nasawi na pinaniniwalaan din na trabahador din sa pabrika. Samantalang kinukumpirma ang ulat na isa sa mga sugutan na isinugod sa ospital ang pumanaw na rin. Tinatayang aabot sa 40 tao ang nasaktan sa nasabing insidente at isinugod sa mga pagamutan. Una rito, inihayag ni Trece Martires Mayor Melencio de Sagun Jr. na batay sa nakalap niyang paunang ulat, nagsimula ang insidente sa sinubukang paputok. "Personal estimate âdi bababa ng lima, pataas po," pahayag ni De Sagun tungkol sa bilang ng posibleng nasawi. May impormasyon din umano si De Sagun na dadalhin sana ang mga paputok sa SM Mall of Asia sa Pasay City. "Ang talagang pagkakamali yung tao nag-testing na âdi naman dapat nag-testing sa loob ng compound," ayon sa alkalde. Imbestigahan Nais naman ni Sen. Ramon âBong" Revilla, Jr. na imbestigahan ang naturang insidente dahil ito na umano ang ikalawang pagkakataon na may naganap na malakas na pagsabog sa kanyang lalawigan. âUnang-una dapat paimbestigahan ito. Kung dalawang beses ito parang âdi na sila natuto. Tingnan muna natin," pahayag ng mambabatas sa dzBB radio. Imbitado umano si Revilla na magsalita sa isang pagtitipon sa bayan ng Maragondon sa Cavite nang malaman niya ang naganap na pagsabog kaya kaagad siyang nagtungo sa Trece Martires. Nanatili namang tikom ang bibig ng mga opisyal ng Starmaker Fireworks sa naganap na aksidente. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular