ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Balat ng palay pamalit sa LPG sa pagluluto
MALOLOS CITY, Bulacan â Ipa o balat ng palay ang nakikitang solusyon ng isang imbentor ng kalan sa problema ng mga maybahay sa pagluluto dahil sa kakulangan ng suplay ng liquefied petroleum gas (LPG). Ayon kay Agaton Milagroso, magsasaka sa Bulacan na nakaimbento ng 'sipag-kalan,' mas mura at environment friendly ang magluto sa pamamagitan ng ipa kaysa LPG at maging sa uling na mula sa kahoy. "Habang nagtatanim ng palay ang mga magsasaka, âdi kayo dapat matakot dahil matipid na panggatong ang ipa," paliwanag ni Milagroso. Mula nang maimbento umano niya ang âsipag-kalanâ noong 2007 ay hindi na siya gumamit ng LPG. Gumagastos lamang umano si Milagros ng P20 para sa isang sako ng ipa na tumatagal ng tatlong araw o halos P200 sa isang buwan. Mas malaking katipiran umano ito kumpara sa paggamit ng LPG na nagkakahalaga ngayon ng tinatayang P500 bawat 11 kilogram. Kumpara sa uling na mula sa sinunog na kahoy o puno, sinabi ni Milagroso na hindi mausok ang ipa at madali ring mag-apoy. May pakinabang din umano ang upos o abo ng nasunog na ipa dahil maaari itong ihalo sa mga basura sa kusina kung saan magagamit namang pataba o abono sa halaman. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular