ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 arestado sa pekeng pera sa Bulacan
BOCAUE, Bulacan â Tatlong lalaki ang dinakip ng mga pulis matapos gumamit ng pekeng pera sa pagbili ng manok na panabong sa bayang ito nitong Biyernes. Sa halip na manok, malamig na rehas ang hinihimas nina Arnel Alcaraz, 40-anyos, residente ng Valenzuela City; Aaron Dealagdon, 29, ng Caloocan City; at Olimpio Panzilo, 50 ng Tondo, Manila. Ayon kay Supt. Ronald De Jesus, hepe ng Bocaue-PNP, dinakip ang tatlo sa tapat ng isang convenience store sa Brgy. Biniang 2nd, MacArthur Highway sa bayang dakong 6:30 am. Nakuha sa tatlo ang 12 piraso ng P500 bill at isang piraso ng P1,000 bill na pinapaniwalaang peke. Kakasuhan sila ng paglabag sa Article 168 at Article 166 ng Revised Penal Code na kaugnay sa pagbabawal sa paggamit ng mga pekeng treasury bank notes at iba pang instruments of credit. Noong Disyembre, tatlong tao rin ang dinakip ng mga pulis sa bayang ito dahil din sa pamimili ng paputok gamit ang mga pekeng P1,000. Sa nasabing insidente, sinabi ni de Jesus na modus operandi ng mga suspek ang bumili ng produkto na aabot sa P200 at ibabayad ang pekeng P1,000. Ang magiging sukli ng tindahan na tunay na pera ang paghahatian ng sindikato. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular