ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Entrepreneurship revolution panlaban sa global economic crisis -- Villar
MANILA â Nagpahayag ng kumpyansa nitong Biyernes si Sen. Manny Villar sa mga maliliit na negosyante upang malampasan ng mga Filipino ang epekto ng global financial crisis. Hinimok ni Villar ang pamahalaan na gumawa ng programa at maglaan ng sapat na pondo para suportahan ang mga entrepreneur sa bansa na lilikha ng trabaho para sa mga Filipino. âNagsisimula nang maramdaman natin ang epekto ng global crisis dahil sa paghina ng kalakalan sa mundo at daan-daan ang nawawalan ng trabaho bawat araw. Ngayon ay higit na makikita ang kahalagahan ng entrepreneurship," pahayag ni Villar. Katuwang si Villar sa paggawad ng parangal ang "Go Negosyo" sa mga itinuturing âMost Inspiring Bicolano Entrepreneur and Micro-entrepreneur" sa Camarines Sur Convention Center nitong Biyernes. âKasunod ng mga overseas Filipino worker na patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya at sa pambansang ekonomya sa pamamagitan ng kanilang padala, naniniwala ako na ang mga entrepreneur na namumuhunan sa mga micro, small at medium enterprises ang mga bagong bayani ng ating ekonomya," ayon kay Villar. Sinabi ni Villar na katulad ng 'Go Negosyo,' kinikilala rin umano ng kanilang partidong Nacionalista Party ang kahalagahan ng mga maliliit na negosyante na nagsisikap para makapagtayo at makapagpalago ng sariling negosyo. Isinulong ni Villar noong nakaraang taon ang programang âPondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga" na naglalayong magbigay ng teknikal na kaalaman at suportang pinansyal sa mga maliliit na negosyante. Kabilang sa 16 na nabiyayaan ng programa at nadagdag ng P100,000 puhunan ay si Marianne Olano, mula sa Naga City. Nag-umpisa si Olano na magnegosyo gamit ang naipon na P20,000 upang itayo ang Baycrafts Shoppe, isang negosyo tungkol sa custom jewerly. Nakarating na rin sa Metro Manila ang kanyang mga produkto. Tumanggap din ng pagkilala ng âPondo sa Sipag" si Pacifico dela Cruz o Mang Pacing, ang mag-iitik buhat sa Bulacan na muntik ng bumagsak ang negosyo matapos mabaon sa utang. Tulad ni Dela Cruz, sinabi ni Villar na hindi rin naging madali sa kanya ang tagumpay dahil minsan din siyang nalugi sa pinasok na negosyong sa pagsusuplay ng isda sa isang restaurant. âAng payo lang sa maliliit na entrepreneur, kahit ilang beses kayong bumagsak, ang mahalaga ay ang makabangon sa bawat kabiguan," ayon sa senador. Pinuri rin niya sina Joey Concepcion, Camarines Sur Gov. L-Ray Villafuerte at mga kasapi ng âGo Negosyoâ dahil ginagawang paglilibot sa bansa upang manghikayat sa mga Filipino na magnegosyo. Maging si Villar ay nagsusulong ng entrepreneurial revolution na kailangan umano ng bansa para makipagsabayan sa ibang bansa sa pagpapalago ng ekonomya. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular