ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
BFAD kinalampag sa advisory ng USFDA sa mapanganib na gamot
MANILA â Hiningan ng paglilinaw ng isang senador ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) kaugnay sa ipinalabas na babala ng US Food and Drugs Administration (FDA) laban sa walong gamot na may âPhenylpropanolamine" na pinapaniwalaang dahilan ng mataas ng insidente ng âhemorrhagic stroke" o pagdurugo ng utak ng mga pasyente. Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. nitong Biyernes na lumiham na siya kay BFAD chairperson Prof. Leticia Barbara Gutierrez noong Pebrero 5, 2009, upang hilingin sa ahensya na bigyan linaw ang advisory ng USFDA. Kasama umano sa advisory ng USFDA ang rekomendasyon na alisin sa merkado ang mga gamot na âPhenylpropanolamine" na karaniwang sangkap sa gamot para sa sakit na ubo, sipon at trangkaso. Iginiit ni Pimentel na dapat ipaalam kaagad sa publiko kung totoo ang nasabing babala ng USFDA upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Filipino. Ayon sa senador, mahalagang mabigyan babala ang publiko kung tunay na mapanganib ang âPhenylpropanolamine" na sangkap sa ilang gamot na maaaring bilhin kahit walang reseta ng duktor. Kalimitan umano sa mga biktima na nakaranas ng hemmorhagic stroke ay kababaihang may edad na 18 hanggang 49, at seizures naman sa mga bata. âI understand, that certain drugs can be bought here over the counter," sabi ni Pimentel. Binigyan-diin ni Pimentel na mahalagang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko dahil na rin sa mga produktong hinahaluan ng mapanganib na sangkap tulad ng melamine na inihalo sa gatas na galing sa China. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular