ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 akusado sa Aquino-Galman murder case nakalaya na
MANILA â Dalawang pang dating sundalo na hinatulang makulong sa kasong pagpatay kina dating Senador Benigno Aquino, Jr. at Rolando Galman noong 1983 ang pinalaya nitong Biyernes matapos nilang mabuno ang sentensya. Sa ulat ng dzBB radio, inihayag ni Bart Bustamante ng Bureau of Corrections na pinalaya sina Felizardo Taran at Rolando de Guzman mula sa National Bilibid Prison dahil natapos na nilang pagsilbihan ang kanilang sentensya na umabot sa 34 na taon. "Na-serve nila ang maximum term sentence na 34 taon," ayon kay Bustamante. Ipinaliwanag ng opisyal na ang double life sentence sa dalawa ay ibinaba sa minimum of 29 years at maximum of 34 years. Nakatulong din umano sa dalawa ang magandang asal na ipinakita nila sa âloob." Idinagdag niya na idiniretso si de Guzman sa ospital nang makalaya dahil mayroon itong karamdaman. Sa grupo ng mga dating sundalo na nakulong dahil sa Aquino-Galman double murder case, unang nakalaya si dating Sgt. Pablo Martinez nang bigyan ng pardon ni Pangulong Gloria Arroyo noong Disyembre 2007 matapos maabot ang edad na 70. Samantalang nasawi naman sa loob ng piitan ang dalawa pang akusado na sina Cordova Estelo at Mario Lazaga. Sa paglaya nina De Guzman at Taran, 10 akusado pa sa Aquino-Galman double murder case ang nananatili sa kulungan. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular