ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Grocery sa public market natupok sa Cabanatuan


CABANATUAN CITY – Maling kabit ng kable ng kuryente ang pinapaniwalaang dahilan ng sunog sa isang bahagi ng Sangitan Public Market sa lungsod na ito umaga ng Sabado. Ayon kay Rodel Tano, nagtatrabaho sa natupok na Nelly’s Grocery, naganap ang sunog dakong 9 a.m. na nagsimula sa kisame ng grocery kung saan nakatambak ang mga styrofoam at iba pang paninda. Mabilis naman ang naging responde ng mga pamatay–sunog ng Cabanatuan Fire Department at naaganapan na hindi madamay ang iba pang tindahan. Sinabi ni Fire Marshall Gregorio Antonio, maaaring sa kuryente sa kisame nagsimula ang apoy dahil sa ginagawang extension ng bodega. Dahil sa insidente, sinabi ni Antonio na regular na nilang iinspeksyunin ang mga grocery sa mga public market sa lungsod upang hindi na maulit ang sunog. Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog. – Jun-jun Sy, GMANews.TV