ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

AFP posibleng tumanggap ng bakla, tomboy


MANILA – Inihayag ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines na posibleng buksan ang institusyon para sa mga bakla at tomboy na nais maging sundalo. “For as long as you are not showing outward manifestation, you are not disturbing others, you are not causing scandals, then there is no problem with that," pahayag ni Army chief Lt. Gen. Victor Ibrado nitong Martes. Sinabi naman ni AFP Civil Relations Service Brig. Gen. Gaudencio Pangilinan na maaaring maalis sa serbisyo ang isang sundalo kapag gumawa ng mali. “Remember, we have certain officers who were removed, discharge from the service because of scandalous acts. That we cannot tolerate," ayon kay Pangilinan. Ilang taon na rin ang nakararaan nang masangkot sa iskandalo at matanggal sa serbisyo si Army Maj. Ferdinand Ramos matapos lumabas ang isang video habang pinipilit umano nito ang isang kasamahang sundalo na makipagtalik. Ayon kay Ibrado, kailangan pang pag-aralan ang tuluyang pagpapahintulot sa mga bakla at tomboy na makapasok sa serbisyo lalo na sa mga aspeto na magagamit ang kanilang talento. “We are now on a modern world. There could be some areas where we can utilize their skills. It will be discriminatory (if we ban them), that’s why we will have to study that," paliwanag niya. Ngunit aminado si Pangilinan na posibleng mapanganib kung ilalagay ang mga bakla at tombay sa aktuwal na digmaan. “There are certain things that we cannot compromise when it comes to that (combat),"pahayag ni Pangilinan. - GMANews.TV