ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lahat ng sundalong nakulong dahil sa Aquino-Galman murder case laya na
MANILA â Nakalaya na nitong Miyerkules ang lahat ng sundalong nahatulang makulong kaugnay sa pagpatay kay dating Senador Benigno âNinoy" Aquino Jr noong 1983. Sa ulat ng dzBB radio, sinabing nakalabas ng piitan sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa dakong 3 p.m. ang mga bilanggo matapos makuha ni Presida Reuda-Acosta, pinuno ng Public Assistance Office (PAO), ang kanilang release order mula sa Bureau of Corrections (BuCor). Si Acosta ang naglakad kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para mapalaya ang mga bilanggo. Sinabing ipinalabas ni Arroyo ang order of commutation sa mga bilanggong sundalo noong Marso 2, at pinirmahan kaagad ito ni Justice Secretary Raul Gonzalez nitong Miyerkules ng umaga. Ang mga nakalaya sa bisa ng executive clemency ay sina: * Ruben Aquino * Arnulfo Artates * Romeo Bautista * Jesus Castro * Arnulfo De Mesa * Rodolfo Desolong * Claro Lat * Ernesto Mateo * Filomeno Miranda * Rogelio Moreno Paglabas ng bilangguan, dinala muna sila sa Evangelista Medical Hospital sa San Pedro, Laguna upang sumailalim sa medical check-up. Ang mga sundalo ay nakulong ng may 26-taon dahil sa pagpatay kina Aquino at itinuturong âtrigger man" na si Rolando Galman sa tarmac ng Ninoy Aquino International Airport (dating Manila International Airport) noong Aug. 21, 1983. Noong nakaraang buwan, naunang pinalaya ang kapwa nila akusado sa kaso na sina dating Sergeants Felizardo Taran Jr. at Rolando de Guzman. Sa pulong balitaan sa Malacanang, sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na ang ipinagkaloob na clemency sa mga dating sundalo ay bahagi ng 10-point agenda ni Gng Arroyo. Kasama umano sa agenda ni Arroyo ang paghilumin ang sugat na nilikha ng tatlong EDSA revolution. "Letâs hope it would. One of 10 point agenda is healing [the] wounds of EDSA...we should not think of any other motive," ayon kay Ermita. Ipinaliwanag niya na 40-taon ang orihinal na sentensya sa mga akusado pero napababa ito sa 28 hanggang 34 na taon. "They have served more than 31 yrs, 8 mos. They are within the range they are eligible for parole. It behooves upon the action of the BuCor which is under DOJ. Multiple serious illnesses certified by BuCor and DOH [were also considered by the President.] With that as basis the recommendation was approved by the President," ayon sa kalihim. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular