ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Buwis sa SMS at voice call sa cell phone 'di na raw kailangan ang batas
MANILA â Ibinaba ng isang kongresista sa lima mula sa dating sampung sentimos ang balak nitong buwis na singilin sa paggamit ng cellular phone kasama na ang pagtawag sa halip na bawat text message lamang tulad ng nauna niyang mungkahi. Sa isang press conference nitong Martes, sinabi ni Quezon Rep. Danilo Suarez, chairman ng House committee on oversight committee, na ang âbroad spectrum fee" sa pagtawag at text sa cell phone ay maaari umanong singilin ng gobyerno kahit hindi na magpasa ng batas ang Kongreso. Ayon kay Suarez, maaaring ipatupad ng National Telecommunications Commission (NTC) ang naturang programa kung saan gagamitin sa mga proyekto ng gobyerno ang malilikom na kita. âWe just had our technical working group meeting and there were two major developments. One is that we may no longer need to legislate for the National Telecommunications Commission to impose this fee on the telecom firms," ayon sa kongresista. Idinagdag niya na kailangan na lamang ng Kongreso na maghain ng resolusyon upang atasan ang NTC na ipatupad ang naturang singilin sa mga kumpanya ng telekomunikasyon. Ang kinauukulang ahensya naman ng pamahalaan ang siya umanong aatasan na gumawa ng Implementing Rules and Regulations na magiging gabay sa pagsingil sa âbroad spectrum fee" at kung saan maaaring gamitin ang pondo . âNTC already has this power to impose fees (on telecom firms)," pahayag ni Suarez. Ang technical working group na rin umano ang nagpasya na simulan ang naturang singil sa text at voice calls sa limang sentimos sa halip na 10 sentimos sa bawat magiging transksyon. âWe donât know if they would absorb this or pass this on. But my best bet is that they would shoulder part of the cost, maybe 2.5 centavos for their part and the rest would be passed on to the consumers," pahabol ni Suarez. Tinatayang 2 bilyon text messages umano ang ipinapadala ng mga Filipino bawat araw at 800 milyon naman pagtawag sa cell phone. Sa datos na ito, sinabi ng kongresista na kayang kumita ang gobyerno ng P60 bilyon bawat taon sa âbroad spectrum fee" na limang sentimos bawat transaksyon. âUpon doing our initial computation if we impose the 5-centavo fee immediately we could begin the construction in April, May and June of one computer room for all public and elementary schools in the country," ayon kay Suarez. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular