ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tita ng nanalo sa Bb.Pilipinas pinatay sa Albay


MANILA – Tinadtad ng bala sa katawan ang tiyahin ng isang beauty queen na nanalo sa Binibining Pilipinas pageant nang tambangan ito ng mga hindi nakilalang lalaki sa Albay nitong Miyerkules ng gabi. Sinasabing papasok na sa kanyang bahay sa Ridgeview Subdivision sa Legazpi City ang negosyanteng si Maribel Antoinette Gonzales, 44-anyos, nang pagbabarilin ng mga suspek. Mabilis umanong tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo, ayon sa ulat ng dzXL radio nitong Huwebes. Napag-alaman na si Gonzales ay tiyahin ni Melody Gersbach na nanalong Binibining Pilipinas International noong nakaraang buwan. Hinihinala ng pulisya na mga hired killer ang bumaril kay Gonzales na nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan. Posiblen rin umano na gumamit ng .45-caliber na baril ang mga suspek. Patuloy naman ang imbestigasyon upang para malaman ang motibo ng pamamaslang. - GMANews.TV