ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Presidential chopper na may sakay na mga opisyal nawawala sa Cordillera
MANILA â Isang presidential helicopter na sakay ang ilang matataas na opisyal ng Malacanang ang idineklarang nawawala simula nitong Marter ng hapon matapos hindi makarating sa kanilang destinasyon sa Ifugao mula sa Baguio City. Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, sakay sa Bell 412 aircraft (tail number 1946) sina Press Undersecretary Jose Capadocia; undersecretary for presidential appointments Malou Frostrum; Assistant Secretary Perlita Bandayanon; Brig. Gen. Carlos Clet, ang senior military aide ni Pangulong Gloria Arroyo; at apat na iba pa kabilang ang mga piloto. "We still hope for the best. We still hope that the chopper landed safely in an area where there is no cellphone contact," pahayag ni Remonde sa panayam ng Radyo ng Bayan. Patungo sana ang grupo ni Capadocia sa Banaue upang magsagawa ng ocular inspection sa lugar na nakatakda sanang bisitahin ni Gng Arroyo sa Miyerkules. Nakatakda sanang bisitahin ni Gng Arroyo ang bahagi ng Bontoc-Banaue highway sa Km. 350 sa Sitio Awan Igid sa Barangay Viewpoint. Napag-alaman na dumating si Gng Arroyo sa Baguio City nitong Martes ng hapon kasama si First Gentleman Jose Miguel Arroyo at presidential son, Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo. Ayon kay Brig. Gen. Lino Horacio Lapinid, 1st Air Division commander, umalis ang helicopter sa Baguio dakong 4:15 p.m. nitong Martes at dapat sanang nakarating sa Banaue, Ifugao pagkaraan ng isang oras na biyahe. âWe have no contact. It might have landed somewhere where there is no signal. We are searching for it," ayon kay Lapinid. Kinilala ni Deputy presidential spokesperson Lorelei Fajardo ang mga piloto ng helicopter na isang Maj. Sacatani at isang Capt. Alegata. Sinabi ni Remonde na may impormasyon silang natanggap na nakita ang helicopter ngunit hindi pa nila ito nakukumpirma. "May initial reports, sightings, good sign, [but] I cannot confirm it. Just a few minutes ago, I cannot confirm it," pahayag ni Remonde sa dzBB radio. Dakong 5 p.m. nang makatanggap umano ang Malacañangâs Media Accreditation Office (Maro) ng tawag kay Capadocia upang ipaalam na naghahanap sila ng malalapagan dahil âzero visibility" umano sa lugar na kinaroroonan nila. âMARO got a call from Usec JoCap informing na medyo zero visibility na sila that's why they were looking for a place to land," kwento ni Remonde. Ayon naman kay Air Force spokesman Maj. Gerardo Zamudio Jr., ang masamang lagay ng panahon sa Ifugao ay posibleng dahilan kaya nagkaroon ng problema ang helicopter. "Medyo madilim at may kaunting problema sa weather conditions. âYan ang report na natanggap natin," pahayag ni Zamudio sa dzRH radio. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular