ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga Bulakenyo dismayado sa Australyanong ipinako sa krus sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan â Dismayado ang ilang residente sa lalawigang ito sa Australyanong na kasama sa mga ipinako sa krus sa Brgy. Kapitangan, Paombong noong Biyernes Santo dahil sa ginawa nitong paglilihim ng tunay na katauhan. Ilang Bulakenyo ang nais na ideklarang persona-non-grata ang nagpakilalang Australian na si John Michael, 36-anyos mula sa Melbourn, at nagtatrabaho bilang accountant. Sa mga unang panayam, sinabi ni Michael na ang pagpapako niya sa krus ay tungkol sa kanyang pananampalataya at para sa ina na may sakit na liver cancer. Ngunit batay sa lumabas na ulat sa Web site ng The Sydney Morning Herald, napag-alaman na ang tunay na pangalan ni Michael ay John Safran, mula sa middle-class Jewish family, at komedyante na ang karaniwang tema ng pagpapatawa ay may kinalaman sa relihiyon. Ayon kay Jaime Corpuz, isang manunulat ng libro at dating direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, ang ginawang paglilihim ni Safran sa kanyang tunay na katauhan ay isang uri ng panloloko sa mga Bulakenyo. âDapat siyang ideklara na persona non-grata sa Bulacan," ayon kay Corpuz upang maipakita ang matindinting pagkadismaya ng lalawigan kay Safran. Ang pahayag ni Corpuz ay sinuportahan naman nina Eric Robles ng Hagonoy at Gilbert Angeles, mula sa bayan ng Plaridel. âHe should be banned for making a mockery of our faith," ayon kay Angeles. Idinagdag naman ni Edmundo Jose Buencamino, dating alkalde ng San Miguel, na lumilitaw na may pagkukulang din ang Provincial Tourism Office na umalalay kay Safran upang makasama sa mga ipinako sa krus sa Bulacan. Ipinaliwanag naman ni Dinia Quetua, hepe ng PTO, inendorso lamang ng Department of Tourism (DOT) mula sa Tourism Attache ng embahada ng Pilipinas sa Sydney si Safran. âNadismaya ako at nagulat nang malaman ko na isa palang komedyante si John," ani Quetua nang matanggap noong Sabado ang tawag ni Roland Capferer, assistant producer ng Razor Films, na kasama ni Safran sa pagkuha ng video sa pagpapako niya sa krus sa Paombong. Idinagdag ni Quetua noong lamang inamin ni Capferer ang tunay na pagkatao si Safran dahil sa nangangamba ng grupo na hindi papayagan si Safran na makasama sa mga ipapako sa krus kung patuloy na ililihim ang tunay nitong pagkatao. Bago umano tuluyang umalis ang mga Australyano, lumagda ang mga ito sa isang kasunduan na hindi gagamitin sa katatawan ang mga video footage na kanilang nakuha sa Paombong. Idinagdag pa niya na nangako ang mga Australyano na magpapadala ng liham kay kina Bulacan Gov. Joselito Mendoza at Mayor Donato Marcos ng Paombong upang pormal na humingi ng paumanhin sa pagtatago sa katauhan ni Safran. Si Safran ang itinuturing ang unang dayuhan na ipinako sa krus sa Brgy. Kapitangan sa nakalipas na 40-taong tradisyon tuwing Semana Santa. Noong 1995, naging kontroberysal ng unang pagpapapako sa krus ng Japanese national na si Shinichiro Kaneko sa San Pedro Cutud sa Pampanga nang gamitin umano ang video footage nito sa isang pornographic video. Ang naturang iskandalo ang naging dahilan para magpalabas ng kautusan ang mga opisyal sa naturang bayan na huwag na muling magsasama ng dayuhan na magpapapako sa krus. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular