ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Panibagong parangal kay bowling champ Nepomuceno
MANILA â Muli na namang nagkamit ng parangal si four-time Bowling World Cup champion Paeng Nepomuceno matapos na kilalanin ng World Bowling Writers (WBW) ang kaniyang mga natatanging kontribusyon sa bowling. Nitong Miyerkules tumulak ang 52-anyos na si Nepomuceno sa Manchester, England upang personal na tanggapin ang Mort Luby Jr. Distinguished Service Award. Si Nepomuceno ang kauna-unahang Pinoy na tatangap ng prestihiyosong award. Habang nasa Manchester ay nakatakda ding lumahok si Nepomuceno sa World Tenpin Masters na kung saan ay makakaharap niya ang mas bata at ang pinakamagagaling na mga bowler sa buong mundo. Ngunit hindi natitinag ang International Bowling Hall of Famer at kumpiyansa na kaya pa niyang makipagsabayan sa mga manlalaro ngayon. âIâll just continue as long as I feel I am competitive. This time Iâll be playing against the worldâs best bowlers. I hope to do well." Si Nepomuceno ay talong beses na hinirang ng WBW bilang Male Bowler of the Year (1984-85 and 1992) at isa sa tatlong Pinoy na nasa WBW Hall of Fame. Kasama ni Nepomuceno si Bong Coo at former two-time female world champion Lita Dela Rosa sa WBW Hall of Fame. Tatlong beses din na ginawaran si Nepomuceno ng Guinness World Book of Records sa kaniyang natatanging mga bagay na nakamit sa higit apat na dekada niyang paglalaro ng bowling. Unang napabilang si Nepomuceno sa Guinees Book of World Records ng manalo siya ng apat na beses sa Bowling World Cup sa magkakaibang taon (1976, 1980, 1992 at 1996). Siya din ang pinakabatang kampeon sa Bowling World Cup ng mapanalunan niya ito noong 1976 sa edad na 19 na taon. Sa kasalukuyan hawak din Nepomuceno ang record sa pinakamaraming titulo na umabot na sa 118. Puntirya din ni Nepomuceno ang kaniyang ikalawang World Tenpin Masters na titulo na una niyang napanalunan noong 1999. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular