ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Asawa ni Ted Failon pumanaw na
MANILA â Isang araw matapos iulat na nagbaril umano sa sarili ang asawa ng news anchor na si Ted Failon, pumanaw na si Trina Arteche Etong sa New Era Hospital nitong Huwebes ng gabi. Ayon kay Peter Musngi, vice president ng dzMM radio, halos 20 minutong sinikap ng mga duktor na sagipin si Gng Etong. Dakong 8:50 pm nang ideklarang pumanaw ang 45-anyos na biktima. âThe immediate cause of death is penetrating cranial missile injury and then disseminated intravascular coagulation, and subsequent multi-organ failure," ayon kay Dr. Adonis Gascon sa ulat ng dzBB radio. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung walang naganap na foul play sa pagpapakamatay umano ni Gng Etong. Si Etong ay dinala sa New Era General Hospital sa Quezon City dakong 11 a.m. nitong Miyerkules matapos umanong makita ni Failon ang asawa na naliligo sa sariling dugo sa loob ng banyo sa kanilang bahay sa Tierra Pura Homes sa Tandang Sora, Quezon City. Sa banyo nagbaril Napagtibay naman ng mga imbestigador na sa loob ng banyo naganap ang pagbaril kay Gng Etong matapos makita rito ang marka ng tama ng bala. Bago nito, nagkaroon ng mga espekulasyon na sa ibang bahagi ng bahay binaril ang biktima at inilipat lang sa banyo. Nahihirapan ang mga awtoridad sa isinasagawang pagsisiyasat dahil na rin sa pagkakalinis ng lugar na pinangyarihan ng insidente. "Yung first search, SOCO (Scene of the Crime Operation) did not find bullet mark. Tapos nilinis pa ang bathroom, so nagkaroon ng duda na âdi doon ang pinangyarihan. Pero sinuwerte naman na...ang trajectory ng bullet ay sa CR talaga," ayon kay Senior Superintendent Elmo San Diego, opisyal ng Quezon City Police District. Pasok ang NBI Inatasan na rin ni Justice Sec. Raul Gonzalez ang National Bureau of Investigation na makipagtulungan sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagbaril kay Gng Etong. Dahil dito, sinabi ni Atty. Nestor Mantaring, hepe ng NBI, na iimbitahan nila si Failon upang hingan ng pahayag sa insidente. Itatalaga umano ni Mantaring si Agent Arnel Dalumpines ng NBI Special Task Force (STF) na siyang makikipag-ugnayan sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD). âThis is a joint probe and we will compare notes with the QCPD. All development of the case will be done in close coordination with the police," paliwanag niya. Kabilang umano sa ipagagamit ng NBI sa imbestigasyon ay pangangalap ng impormasyon at maging sa technical aspect. âIf there is need to tap our forensic experts, doctors, then we are going to tap them," idinagdag ni Mantaring. âDi pwedeng lumabas Inutos din ni Gonzalez sa Bureau of Immigration na ilagay muna si Failon sa âwatch list" at huwag payagang makalabas ng bansa habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa pagpapakamatay umano ni Gng Etong. Ipinaliwanag ng kalihim na ilalagay si Failon sa watch list dahil na rin sa deklarasyon ng pulisya na lahat ng tao sa bahay nang maganap ang insidente ay itinuturing suspek. Kinumpirma naman ni BI spokesman Atty Floro Balato sa GMANew.TV na nakatanggap na sila ng direktiba mula sa DOJ na ilagay si Failon sa watch list. âWag makialam Pinagbawalan din ni Secretary Gonzalez si Persida Acosta, hepe ng Public Attorneyâs Office sa pag-astang abogado ni Failon. Nagpalabas ng memorandum ang kalihim upang ipaalala kay Acosta ang mandato ng PAO na magkaloob lamang ng libreng legal na tulong sa mga taong walang kakayahan na magbayad ng abogado. âI have ordered them [Acosta and PAO] to stop. They are not supposed to do that. It is not their mandate," ayon kay Gonzalez na halatang nairita nang malaman na nagkakaloob ng suportang legal si Acosta sa news anchor. Unang nakitang magkasama sina Acosta at Failon nitong Huwebes ng umaga papalabas sa himpilan ng pulisya at nagtungo sa New Era Hospital kung saan dinala si Gng Etong. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular