ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Simbahan hindi raw kinokondena ang taong nagpapakamatay
MANILA â Bagaman kinokondena ng Simbahan ang pagpapakamatay, sinabi ng isang Arsobispo nitong Biyernes na hindi ito dahilan pagkaitan ng misa ang taong kumitil sa sarili niyang buhay. Sa panayam ng Radio Veritas nitong Biyernes, sinabi ni Capiz Archbishop Onesimo Gordoncillo na maunawain ang Simbahang Katoliko sa lahat ng tao at tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung saan ang patutunguhan ng isang pumanaw. Inihayag niya na nararapat pa ring pagkalooban ng misa ang taong nagpakamatay lalo na kung wala naman ito sa katinuan nang gawin ang krimen at mapapatunayan ng duktor. ââ¦she or he might be psychologically affected so it has to be certified by the doctor. In that case kung mayroon sinabi ang doctor na certified na he or she is not on his own mind when he committed it because of the some problem psychological, dapat pa rin itong maisama sa misa o mamisahan because the Church is very kind naman. Basta Diyos lamang ang tanging nakakaalam kung saan tayo mapupunta," paliwanag niya. Ang pahayag ay ginawa ni Gordoncillo bilang reaksyon sa pinapaniwalaang kaso ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng bagbaril sa sarili ni Trina Etong, asawa ng sikat na brodkaster na si Ted Failon. Idinagdag ng arsobispo na hindi rin inaalis ng Simbahan ang posibilidad na humingi ng kapatawaran sa Diyos ang isang nagpakamatay bago pa man ito malagutan ng hininga kaya hindi sila dapat pagkaitan ng misa. âHalimbawa nga nag-hang ka at in your last breath sinabi mo Lord patawarin mo ako. In a split second decision you say o Lord forgive me then the Lord will forgive you because He is a loving God," idinagdag niya. Sinabi pa ni Cordoncillo na ang gawain ng pagpapakamatay ang dapat kondenahin at hindi ang mismong tao. âAng kinukondena natin ng Simbahan ang gawain na magpakamatay. Even ang mga corrupt officials ay may pagkakataon rin na magbabago ang kanilang puso at mapapatawad din sila ng Diyos," ayon sa arsobispo. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular