Hidwaan sa pamilya ng nasawing asawa inamin ni Failon
MANILA â Naging madamdamin ang eulogy ng pamilya ni Katrina Etong, maybahay ng brodkaster na si Ted Failon na sinasabing nagbaril sa sarili noong nakaraang linggo sa kanilang bahay sa Quezon City. "Wala pong Ted Failon ngayon kung wala si Trina," pahayag ng kilalang brodkaster ng ABS-CBN sa isinagawang eulogy sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City. "Galing po kami sa baba. Galing po kami sa walaâ¦Hindi ko po maaabot [ang] lahat ng ito kung wala ang pag-uunawa at pagmamahal ni Trina," idinagdag niya. Pagkatapos ng misa at iki-cremate ang mga labi ni Katrina at dadalhin muna sa kanilang bahay. Pinuri rin ni Failon ang asawa na hindi lang umano naging mabuting kabiyak kundi naging mabuting ina rin sa pagpapalaki sa kanilang anak. "Lumaki si Kaye sa pag-aaruga ng kanyang ina. Hindi ko po magagawa lahat ng ito kung wala si Trina dahil siya ang nag-alaga sa aking anak habang ako ay naghahanap-buhay," pagpapatuloy ni Failon. Sa ngayon ay inaaala umano niya ang pagpapalaki sa isa pa nilang anak na si Karishma, 12-anyos. "Ang tanong ko po ay mapalaki ko kaya si Karishma tulad ng pagpapalaki niya [Trina] kay Kaye," tanong ni Failon. Ang misa ay pinangunahan ni Father Jerry Orbos, at dinaluhan nina Vice President Noli de Castro, Rosa Rosal ng Philippine National Red Cross, aktor na si Roderick Paulate, at mga kapatid ni Trinidad na sina Pamela at Modesto. Sinamantala rin ni Failon ang pagkakataon na makipag-ayos sa pamilya ni Trinidad dahil ilan umano sa mga pamilya nito ay tutol sa kanilang relasyon. "Ngayon pong panahon na ito pwede po bang maayos na po natin ito⦠Ang gusto kong sabihin, kung maaari [bang] maayos na ang gusot sa ating pamilya," ayon sa mamamahayag. "Alam kong simulaât sapul mayroon diyang hindi pa rin tanggap na iyong nilait-lait ninyo dati ay eto po katuwang si Trina na tumutulong pa ho sa inyo," idinagdag niya. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung nagpakamatay o sadyang binaril si Katrina sa ulo. Una rito, dalawang forensic expert na kinuha ng pamilya ni Failon ang nagsabing malaki ang posibilidad na nagpakamatay ang kanyang asawa. Iginiit naman ni Justice Sec. Raul Gonzalez na makabubuting hintayin na lamang ang opisyal na resulta ng ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangunguna ng National Bureau of Investigation. - GMANews.TV