ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Tumanggi sa 'tagay' kritikal
MANILA â Kritikal sa pagamutan ang isang lalaki matapos siyang paluin ng bote sa ulo at saksakin sa katawan nang tanggihan niya ang inalok na âtagay" na alak ng isang suspek sa bayan ng Malabon. Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sinabing nakaratay ngayon sa Pagamutan ng Bayan ng Malabon ang biktimang si George Batiskin, 24-anyos, ng Barangay Baritan sa nabanggit na bayan. Nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo at saksak sa likod. Batay sa kuwento ng ilang saksi, napadaan si Batiskin sa grupo ng suspek na si Elmer Pelarco na nag-iinuman bago magtanghalian nitong Martes. Inalok umano ni Pelarco si Batiskin ng isang tagay (ng alak) pero tumanggi ang biktima sa katwiran na marami na siyang nainom na alak noong Lunes ng gabi. Sinasabing nainsulto ang suspek sa ginawang pagtanggi ni Batiskin kaya pinalo ito ng basyo ng bote sa ulo at saka sinundan ng saksak sa likuran. Pinaghahanap na ngayon ng pulisya si Pelarco na tumakas matapos ang ginawang krimen. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular