ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kawani sa gobyerno mas busog kaysa ibang manggagawa - SWS
MANILA â Mas nakakakain ng sapat ang mga kawani sa gobyerno kumpara sa ibang manggagawa, habang tumindi naman ang gutom na nararamdaman sa mga pamilya na nawalan ng trabaho, ayon sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS). Lumitaw sa survey ng SWS na ginawa noong Pebrero 20 - 23 na mas matindi ang nadaramang gutom ng mga pamilya na nawalan ng trabaho. "(The survey) found hunger higher among the unemployed, especially severe among those who were laid-off from their jobs," pahayag ng SWS sa kanilang website. Ang listahan ng âtotal hunger" ay umabot umano sa 16.9 porsiyento sa pamilya ng mga walang trabaho na nakaramdam ng involuntarily hunger (at least once) sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mataas ito ng tatlong porsiyento sa bilang ng mga nakaramdam ng gutom sa mga may trabaho (13.9 porsiyento). Samantala, naitala naman sa 12.5 porsiyento ang pamilya ang nakaramdam ng âmoderate hunger" sa pamilyang walang trabaho, kumpara sa 9.6 porsiyento ng mga may trabaho. Ang âsevere hunger" sa pamilya ng walang trabaho ay umabot naman sa 4.4 porsiyento, kumpara sa 4.3 porsiyento ng pamilya na may trabaho. Sinabi ng SWS na umabot sa pinakamataas na 16.7 porsiyento ang âsevere hunger" sa mga nawalan ng trabaho, kumpara sa 5.1 porsiyento sa mga boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 4.7 porsiyento sa mga nagsara ang pinapasukan, at 4.2 porsiyento sa mga hindi na na-renew ang kontrata. "No case of severe hunger was recorded among families of those who never worked before," ayon sa survey. Lumitaw din sa survey na mas nakakakain ng mabuti ang mga kawani na nagtatrabaho sa gobyerno kumpara sa mga namamasukan sa pribadong sektor at self-employed. Ang survey ay kinabibilangan ng 1,200 respondents sa Metro Manila, nalalabing lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao, na harapang tinanong tungkol sa usaping ng gutom. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular