ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Cell phone bawal sa klase - DepEd


MANILA – Kasabay ng pagbubukas ng klase sa Hunyo 1, ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa mga estudyante na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng silid-aralan ang paggamit ng cellular phone. Sa ulat ng dzBB radio nitong Biyernes, ipinaalala ni DepEd assistant secretary Teresita Inciong ang DepEd Order No. 83 na ipinalabas noong 2003 laban sa pagdadala ng cell phone sa eskuwelahan. Sinabi sa ulat na ipinalabas ang kautusan dahil sa mga reklamo na nakakasagabal sa klase ang paggamit ng cell phone. Saklaw ng kautusan ang lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa buong bansa. Maaaring ipatawag ng guro ang mga magulang ng estudyante na mahuhuling gumamit ng cell phone sa loob ng silid-aralan, ayon sa ulat. - GMANews.TV