‘Bungo’ ng Katipunan
Kilala nyo ba kung sino ang heneral ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila na bukod sa katapangan ay naging tanyag dahil sa kakaibang disenyo ng bandila na ginamit ng kanyang grupo sa pakikidigma. Kung ang karaniwang disenyo ng bandila ng Katipunan ay may letrang âK" at ang kulay ay pula at puti, pinili naman ni Heneral Mariano Llanera na gamitin ng grupo ng mga katipunero na kanyang pinamunuan na gumamit ng itim na bandila na may letrang âK" at larawan ng bungo at naka-ekis na buto. Nang ideklara ni Andres Bonifacio ang digmaan sa mga Kastila noong 1896, pinangunahan ni Llanera ang may 3,000 katipunero na armado ng bolo, sibat at ilang baril sa pagsugod kampo ng mga Kastila sa bayan ng San Isidro sa Nueva Ecija na tumagal ng tatlong araw. Umabot ang pakikidigma ng grupo ni Llanera hanggang sa mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Tarlac at Pampanga. Dahil sa naiibang disenyo, tinawag ni Bonifacio ang bandilang itim ng Katipunan na, âBungo ni Llanera."- Fidel Jimenez, GMANews.TV