ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Labanan ng angkan: 6 patay sa Maguindanao


MANILA – Patay ang anim na tao, habang dalawa pa ang sugatan sa sagupaan ng dalawang pamilya sa bayan ng Matanog sa Maguindanao, ayon sa ulat ng pulisya nitong Biyernes. Batay sa natanggap na report sa Camp Crame sa Quezon City, kinilala ang mga nasawi na sina Kusa Hahjinor, Basit Acasa, Acmad Acasa, Sonaro Gasum, Emen Ayob at Manso Sarigan. Sugatan naman sina Kalil Acasa at Morgan Ayob. Naganap umano ang palitan ng putok sa dalawang magkaaway na pamilya noong umaga ng Miyerkules sa Barangay Dugasan sa Matanog. “The clash emanated from a long family dispute locally known as ‘rido,’" ayon sa pulisya. Hinahanap na umano ng pulisya sa Matanog ang mga sangkot sa kaguluhan at nagbigay na rin ng seguridad sa mga sugatan na nakaratay sa ospital – GMANews.TV