ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Gurong Pinoy patuloy na nahihikayat mangibang bansa
MANILA â Patuloy ang paglisan ng mga guro sa Pilipinas patungo sa mga bansang kayang mag-alok ng mas malaking sahod para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya. Ngunit kapalit ng ginhawa sa buhay ay pagiging ulila ng mga kabataan na gutom sa de-kalidad na edukasyon. Ito ang inihayag ni Annie Geron, secretary-general ng Public Service Labor Independent Confederation (PS-LINK), sa isinagaang forum tungkol sa mass migration ng mga gurong Filipino sa kabila ng nagaganap na global economic crisis. Itinuturong dahilan sa paglisan ng mga guro ang hindi magandang kalagayan ng kanilang pinapasukan, mababang sahod, at kawalan ng katiyakan sa kanilang propesyon sa hinaharap. Sa halos isang dekada, sinabi ng PS-LINK na mahigit 4,000 guro, kabilang mga school principal ang piniling magturo sa US, Middle East, at iba pang bansa sa Asya gaya ng China, Japan at Indonesia. Ayon kay Geron, ang isang guro na may tatlong taong karanasan ng pagtuturo ay maaaring sumahod sa US ng mula $4,000 hanggang $8,000 sa isang buwan â mas mataas ng halos 20 ulit kaysa tinatanggap nilang bayad sa Pilipinas. Nalalagay umano sa panganib ang kalidad ng edukasyon sa bansa dahil karamihan sa mga guro na umalis ay may malawak ng karanasan lalo na sa asignaturang math at science. Mas mataas din umano ang tiyansa ng guro na makapagtrabaho sa US kung tumanggap ito ng scholarships at study grants. Dahil sa pagdami ng mga umaalis na guro, tinatayang 16,000 posisyon ng guro kailangang punan sa tuwing magbubukas ang klase bawat taon, batay sa talaan ng Department of Education, ayon kay Geron. Sinabi naman ni Shannon Lederer ng American Federation of Teachers, na maraming guro ang nahihikayat na magturo sa ibang bansa dahil sa magandang alok katulad ng US na handang magkaloob ng permanent US residency. "If teaching is a public service, recently it has become a business," pahayag ni Lederer. Sa ngayon, sinabi ng AFT na may 33 recruitment agencies na nangangalap ng guro para magturo sa US. Tinatayang 19,000 dayuhang guro umano ang nagtuturo sa mga estado ng US tulad ng Maryland, Texas at Louisiana. Malaking bahagi ng mga guro sa US ay mga Filipino, ayon pa kay Federer. Kabilang sa 55 gurong Pinoy na nahikayat na magturo sa Maryland noong 2005 ay si Aileen Mercado. âIt was a very, very risky move," ani Mercado. âWe didnât know anyone from Baltimore." Ngunit ngayon, nakuha na ni Mercado papuntang US ang buo niyang pamilya sa Maryland. Upang matulungan ang mga guro na nanatili sa Pilipinas, nangako naman si Labor Undersecretary Romeo Lagman na gagawa ng paraan upang mapabuti ang kanilang working conditions. "My wife is a teacher for 41 years,"kwento ng opisyal. âBut when she retired two years ago, her salary was only P14,000." Isa sa mga rekomendasyon ni Geron ay isulong ang panukala na itaas ang plantilla positions ng mga guro upang mapataas ang kanilang sahod. Iminungkahi din niya na dapat magkaroon ng kasunduan sa mga bansang kukuha ng Pinoy teacher na magkaloob ng training program sa limang guro kapalit ng isang guro na magtuturo sa kanilang bansa. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular