ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sundalo na akusado sa Aquino-Galman double murder case pumanaw
MANILA â Apat na buwan matapos makalaya sa kulungan, pumanaw sa sakit sa puso ang isang sundalo na hinatulang makulong sa pagpatay kay dating Senador Benigno Aquino Jr. at Rolando Galman noong 1983. Sinabi nitong Sabado ni Persida Acosta, pinuno ng Public Attorneyâs Office, na pumanaw sa atake sa puso noong Miyerkules sa East Avenue Medical Center si dating Sgt. Rolando de Guzman, 57-anyos. Ayon kay Acosta, pang-apat na stoke na ang dinanas ni De Guzman kung saan dalawa rito ay nangyari noong nakapiit pa ito sa New Bilibid Prison sa Muntinglupa City. Kasalukuyan umanong nakalagak ang mga labi ni De Guzman sa Sta. Mesa, Manila at dadalhin sa kanyang lalawigan sa Pangasinan para doon ilibing. Kabilang si De Guzman sa 16 na sundalo na hinatulang makulong noong Setyembre 1990 kaugnay sa Aquino- Galman double murder case. Noong Pebrero, nakalaya sa piitan sa Muntinglupa sina De Guzman at kapwa sundalo na si Felizardo Taran matapos makamit ang kanilang maximum term sentence na 34-taon. Isang buwan matapos nito, lumaya na rin ang nalalabing mga sundalo na nahatulan sa kasong pagsasabwatan sa pagpatay kay Aquino. Ang mga sundalo ang sumundo sa dating senador sa loob ng eroplano nang bumalik ito sa bansa mula sa US. Binaril si Aquino pagbaba sa tarmac ng dating Manila International Airport na ipinangalan na sa senador ngayon. Ilan pang akusado sa kaso ng pagpatay kay Aquino na pumanaw sa loob ng piitan ay sina dating Brig. Gen. Luther Custodio (1991), Cordova Estelo (2005), at Mario Lazaga (2008). Iginiit ng grupo ni De Guzman na hindi sila ang bumaril kay Aquino kundi si Galman na inutusan umano ng mga komunistang rebelde. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular