ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Heneral na nanguna sa pagtugis sa Abu Sayyaf, bagong hepe ng Marines
MANILA â Ang heneral na nanguna sa pagtugis sa bandidong Abu Sayyaf Group sa Mindanao ang itatalagang bagong pinuno ng Philippine Marine Corps ng Philippine Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang paghirang kay Maj. Gen. Juancho Sabban bilang bagong kumandante ng Marines ay ginawa ilang araw matapos mapalaya ang Italyanong si Eugenio Vagni na anim na buwang binihag ng ASG sa Sulu. "The appointment orders of General Sabban as the next commandant of the Philippine Marine Corps was signed last night [Lunes]," ayon kay Lt. Col. Romeo Brawner Jr., pinuno ng information division ng AFP, sa isinagawang press briefing nitong Martes sa Camp Aguinaldo. Papalitan ni Sabban bilang pinuno ng Marines si Maj. Gen. Ben Dolorfino na hahalili naman kay Lt. Gen. Nelson Allaga bilang komandante ng Armed Forces Western Mindanao Command (Westmincom). Nakatakdang magretiro si Allaga sa Huwebes sa pagsapit niya sa mandatory retirement age na 56. "May orders na para sa pagiging commandant ko sa Marines. Ang ceremonies will be on Friday, kasi mauuna yung turnover sa Westmincom. So Iâm happyâ¦I have achieved every Marine officerâs dream," pahayag ni Sabban sa panayam sa radyo. Kasalukuyang pinamumunuan ni Sabban â produkto ng Philippine Military Class of 1978, - ang Joint Task Force Comet na nagsasagawa ng operasyon laban sa ASG sa Mindanao. Dating miyembro si Sabban ng Young Officers Union (YOU), ang organisasyon ng mga sundalo sa AFP na naglunsad ng mga kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Nang tanungin si Brawner tungkol sa pagkakasangkot noon ni Sabban sa âmilitary adventurism," sagot nito: "Well, of course everybody is given another chance...There might have been instances in his career where he went against the rules and regulations...but everybody is given the chance to prove himself."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Task Force Comet Ang Task Force Comet na pinamunuan ni Sabban ang namahala sa operasyon para mapalaya ang tatlong bihag ng ASG na kasapi ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa Sulu mula noong Enero 15. Unang napalaya ang Pinoy na si Mary Jean Lacaba noong Abril 2, at sumunod noong Abril 18 si Andreas Notter, isang Swiss national. Pinakahuli si Eugenio Vagni na pinalaya nitong Hulyo 12. Sinabi ni Sabban na malaki ang kontribusyon ng mga ginawang military operation para mapuwersa ang mga bandido na palayain si Vagni. Idinagdag ng opisyal na dahil sa mga opensibang ginawa ng AFP sa ASG sa nakalipas na tatlong linggo, maraming malagas sa puwersa ng ASG kabilang ang mga kamag-anak ng mga lider nito na si Doc Abu at Kumander Albader Parad. Nanindigan din si Sabban na walang naganap na âpalitan ng ulo" sa pagpapalaya kay Vagni kapalit ng mga dinakip na dalawang asawa ni Parad na sina Rowena âHoney" Aksan at Nursima âSimang" Annudden. Sina Aksan at Annudden ay dinakip sa isang checkpoint sa Indanan, Sulo noong Hulyo 7, ilang araw matapos maganap ang sunod-sunod na pagsabog sa Mindanao. "The motorcycles they were riding were unregistered so we had reason to hold them," paliwanag ni Sabban. Pinalaya rin ang dalawang ginang kasama ang dalawa nilang kasamahan dahil wala umanong katibayan na mag-uugnay sa kanila sa mga naganap na pagsabog. Inihayag naman ni Brawner na ibinigay na ang kostudiya sa dalawang asawa ni Parad kay Sulu Vice Governor Nur-Ana âLady Ann" Sahidulla dahil umano sa âgender and cultural sensitivities." Sinabi nina Sabban at Sahidulla na ang pagpapalaya kay Vagni ay bunga ng mga isinagawang negosasyon sa Abu Sayyaf. "We (Parad and I) were talking about development, what benefits their families could get kung bumaba na sila at tapusin na itong violence sa Sulu. So that in totality it contributed to what happened and finally, the release of Vagni," ayon kay Sabban. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular