ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Asoge ipagbabawal na sa mga paaralan sa elementarya
MANILA â Hindi na maaaring gamitin at mag-imbak ng asoge (mercury) sa mga paaralan kapag tuluyang naisabatas ang panukalang inaprubahan sa Kamara de Representantes. Sa ilalim ng House Bill 6363 na iniakda ni Paranaque Rep. Eduardo Zialcita, ipagbabawal na ang pagbili, paggamit, at pag-iimbak ng asoge o mercury sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya. âAng batas na ito ay mahalaga dahil layunin nitong bigyan ng proteksiyon ang mga batang mag-aaral sa banta sa kanilang kalusugan na maaaring idulot ng kontaminasyon sa asoge," paliwanag ng kongresista. Lumitaw umano sa mga pag-aaral na ang asoge ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao at maging sa kapaligiran kahit na maliit na bahagi lamang ng kemikal ang maikalat. âAng pagkakalantad ng isang tao sa mercury ay maaaring makaapekto ng matindi sa kanyang utak, lapay at baga, partikular na sa mga bata na may mas mahinang pang immune system," paliwanag ni Zialcita. Nakasaad sa panukala na kasamang ipagbabawal sa mga paaralan sa elementarya ang paggamit thermometers, barometers, sphygmomanometers at manometers na naglalaman ng asoge. Inatasan din sa panukala ang Department of Health, Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, at Commission on Higher Education na bumuo ng kaukulang panuntunan para maipatupad ang batas. Ang mga lalabag sa panukala ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo na hindi bababa sa limang taon at multang hindi bababa sa P1 milyon, o pareho depende sa magiging desisyon ng korte. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular