Pugad na gawa sa laway
Alam nyo ba kung anong ibon ang makikita sa mga kuweba sa Palawan na ang pangalan ay hango sa galaw nito na tila pagsasayaw nito habang lumilipad? Ang ibon na âbalinsasayaw" na kadalasang nakikita sa mga kuweba sa El Nido, Palawan ay kilala dahil sa pambihira nitong pugad na isinasama sa sopas na kung tawagin ay âEl Nido" soup. Hindi katulad ng pugad ng ibang ibon na gawa sa tuyong dayami o maliliit na sanga, ang pugad ng balinsasayaw ay gawa sa mismong laway ng ibon. Sinasabing mayaman ang pugad ng balinsasayaw sa mga protina katulad ng calcium, iron, potassium, at magnesium. Dahil sa paniwala na may naidudulot na kabutihan sa kalusugan ang sopas ng El Nido, maraming mangangalakal ang bumibili ng kanilang pugad sa mataas na halaga. Ngunit dahil na rin sa malaking demand sa pugad, may mga insidente na kinukuha na kaagad ang pugad kahit hindi pa lubos na malaki ang mga inakay. - GMANews.TV