ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
CARP extension bill ganap ng batas
MANILA â Nilagdaan na ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nitong Biyernes ang batas na magpapalawig ng limang taon sa bisa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ginawa ni Gng Arroyo ang pagpirma sa Republic Act 9700 sa Plaridel, Bulacan dalawang linggo matapos ang kanyang State of the Nation Address kung saan hiniling niya sa Kongreso na ipasa na ang naturang panukalang batas. Nakapaloob sa batas ang alokasyon ng P100 bilyon na ipambibili ng mga lupaing pang-agraryo na ipamamahagi sa may 1.2 milyong benepisaryong magsasaka. Kabilang sa mga sumaksi sa pagpirma ni Gng Arroyo ay sina Senate President Juan Ponce Enrile, Speaker Prospero Nograles, Senator Gregorio Honasan, awtor ng bersyon ng panukala sa Senado, mga miyembro ng Gabinete at lokal na opisyal ng Bulacan. Sa pahayag na nakalagay sa Web site ng Malacanang, sinabing napili ni Gng Arroyo na gawin ang paglagda sa CARP extension law sa Bulacan dahil dito rin pinirmahan ng kanyang amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal ang kauna-unahang land reform law - 46 taon na ang nakalilipas. Ang unang batas para sa repormang agraryo ay pinirmahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1988. Hanggang 10 taon lang ang orihinal na bisa ng batas ngunit pinalawig ito hanggang sa muling mapaso noong nakaraang taon. Sinerpikahan ng Malacañang na âurgent" ang CARP extension bill kasabay ng matinding kahilingan sa sektor ng mga magsasaka at Simbahang Katoliko na aprubahan ang panukala. Noong nakaraang linggo, niratipikahan sa Kamara de Representantes ang inaprubahang CARP bicameral bill, habang humabol naman ang Senado nitong Lunes bilang alay sa pumanaw na si Gng Aquino.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang CARP law ang isa sa mga pinakamahalagang batas na ipinatupad ng administrasyon ni Aquino. Si Aquino ay pumanaw noong Agosto 1 habang nakaratay sa Makati Medical Center dahil cardiorespiratory arrest. Noong Marso 2008 natuklasan na mayroon siyang stage 4 colon cancer. Hamon kay Arroyo Sa kabila ng paglagda ni Arroyo sa pinalawig na batas ng CARP, sinabi ni Akbayan party-list Rep Ana Theresia Hontiveros na hindi dapat ibigay sa pangulo ang kredito nito. "This could have been signed more than a year ago had the administration exercised political will in pushing for the passage of the bill," ayon kay Hontiveros, isa sa mga may akda ng bersyon sa Kamara. Iginiit niya na ang kredito ng pagkakapasa ng batas ay dapat ibigay sa mga magsasaka na nakipaglaban para sa kanilang karapatan. "If it were not for the perseverance and persistence of the farmers this would not have been approved. The extended and reformed agrarian reform law is the legacy of the farmers to the Filipino people," ayon sa mambabatas. Hinamon din niya si Gng Arroyo na ipamahagi na sa mga magsasaka ang lupain ng mga Arroyo sa Negros upang maipakita nito ang sensiridad sa pagpapatupad ng batas. "That will be the real barometer of her sincerity. She has to distribute the lands of her own family, and pave the way for the redistribution of more than 1 million hectares of private landholdings," idinagdag niya. - GMANews.TV

Tags: carp, agrarianreform
More Videos
Most Popular