Sino si ‘Don Panyong’
Kilala nyo ba kung sino si âDon Panyong" na isang makabayan, manunulat, pintor, kolektor ng literatura tungkol sa Pilipinas, musikero, at iba pa? Dahil sa kanyang husay at kontribusyon sa bansa, ipinangalan sa kanya ang isang importanteng kalsada sa Metro Manila. Si âDon Panyong" ay walang iba kundi si Epifanio Cristobal de los Santos â isa sa mga itinuturing na pinakamahusay na Filipino scholars - kung saan ipinangalan sa kanya ang dating Highway 54 na kilala ngayong bilang EDSA Highway. Isinilang si âDon Panyong" noong Abril 7, 1871 sa Malabon, Rizal. Anak siya nina Don Escolastico de los Santos, kilalang haciendero mula sa Nueva Ecija, at Doña Antonina Cristobal, isang edukadang musikera. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts sa Ateneo na may pinakamataas na parangal na summa cum laude. Pagkaraan nito ay kumuha siya ng abogasya sa Santo Tomas Law School. Nag-aral din siya ng musika at pagpipinta. Mahusay din siyang magpiyano at tumugtog ng gitara. Katunayan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, isa si âDon Panyong" sa tatlong kinikilalang pinakamahusay na mag-gitara. Ang dalawang iba pa ay sina General Fernando Canon, at rebolusyunaryong si Guillermo Tolentino. Nagkaroon ng dalawang asawa si âDon Panyong;" Una si Ursula Paez kung saan nagkaroon siya ng apat na anak. Nang pumanaw is Ursula, naging kabiyak naman niya si Margarita Torralba at nagbunga ng walong supling ang kanilang pagmamahalan. Nang sumiklab ang digmaan noong 1898 laban sa mga Kastila, itinatag ni âDon Panyong" ang pahayagang La Libertad. Ngunit hindi ito nagtagal dahil sa panggigipit ng mga mananakop. Sumunod nito ay naging bahagi siya ng pahayagang La Independencia ni Gen. Antonio Luna kung saan gumamit siya ng alias na âG. Solon." Naging District Attorney si âDon Panyong" ng San Isidro, Nueva Ecija, at pagkaraan ay naging Provincial Secretary. Nahalal din siyang gobernador ng lalawigan noong 1902 at 1904. Hinirang na kasapi ng Philippine Commission, naging kinatawan ng bansa sa St. Louis Exposition, naging piskal sa lalawigan ng Bulacan at Bataan, at Assistant Director ng Philippine Census. Naglakbay din sa maraming bansa sa Europa at Asya si âDon Panyong" upang maghanap ng mga pambihira at natatanging bagay o nasusulat tungkol sa Pilipinas. Sa dami ng kanyang koleksyon na mga libro, manuscripts, historical documents, paintings, at iba, nagmistulang library ang kanyang bahay. Pinamumunuan noon ni âDon Panyong" ang Philippine Library at Museum nang tamaan siya ng cerebral attack at pumanaw noong Abril 18, 1928. - Fidel Jimenez, GMANews.TV