ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Manugang ni Mayor Binay pumanaw matapos manganak


MANILA – Pumanaw nitong Martes ang manugang ni Makati Mayor Jejomar Binay dahil sa komplikasyon matapos iluwal ang ika-apat nitong anak. Si Kennely Ann Lacia-Binay, 29, asawa ni Makati Councilor Jejomar Erwin S. Binay Jr, ay pumanaw dakong 12:06 p.m. sa Makati Medical Center. Napag-alaman na mahigit isang buwang nakaratay sa ospital si Kennely o Ken-Ken kung tawagin siya sa kanilang pamilya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Buhay namang nailuwal ni Ken-Ken ang anak ngunit masusi pa itong inoobserbahan ng mga duktor. Naiwan ni Ken-Ken ang kanyang asawang si Binay Jr., at mga anak na sina Jejomarie Alexi, 6; Maria Isabel, 3; at Jejomar III. Sa pahayag na ipinalabas ng tanggapan ni Mayor Binay, ibuburol ang mga labi ni Ken-Ken sa kanilang tahanan sa 8776 Banuyo cor. Santol St., San Antonio Village sa Makati City. Ang detalye sa libing sa ipapalabas sa mga susunod na araw. - GMANews.TV
Tags: binay