ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Video ng brutal na pagpatay daw sa Pinay ‘di totoo - DFA
MANILA â Naniniwala ang Department of Foreign na hindi totoo ang lumabas na ulat na posibleng Filipina ang babae sa video na lumabas sa Internet na ipinakitang binato hanggang mamatay sa Jordan dahil sa bawal na relasyon. Sa isang pahayag na ipinalabas ng DFA, sinabi nito na nagsagawa na ng imbestigasyon ang ahensiya at wala itong nakuhang katibayan na magpapatunay na naganap ang naturang pagpaslang sa pinapaniwalang Filipina. Idinagdag ng DFA na may katulad na video na rin umano ang ipinalabas sa Cable News Network (CNN) noong 2007. "The Embassy reported ... that it has inquired with Jordanian authorities including contacts in the funeral service sector whether there had been any reported case of a Filipina murdered in the manner depicted in the YouTube clip. The inquiry yielded negative results," ayon sa DFA. Tiniyak umano ng sektor ng punenarya sa Jordan na malalaman nila kung totoo ang naturang insidente mula sa kanilang mga kontak sa ibaât-ibang ospital, morgue at pati na sa mga himpilan ng pulisya. Lumabas sa isang pahayagan sa Maynila na posibleng Pinay umano ang babae na nakita sa video na binato hanggang mamamatay sa Jordan dahil sa bawal na pakikipagrelasyon. Idinagdag ng DFA na wala rin umanong nakukuhang report ang embahada tungkol sa naturang insidente mula nang maiulat sa Maynila ang tungkol sa video. "Upon further check on the Internet, Embassy officials found that the video is only one of several versions that circulate through the Internet and mobile phones, usually described in different instances as a national of one country or another who is allegedly murdered for a morality crime," paliwanag ng ahensiya. Nadiskubre rin umano ng embahada ng Pilipinas na may katulad na video tungkol sa nangyaring krimen ang ipinakita sa Wolf Blitzerâs The Situation Room sa CNN noong Disyembre 2007. Inilarawan sa naturang ulat ng CNN na ang babae isang Iraqi na ipinapatay ng pamilya matapos magpakasal sa lalaki na iba ang paniniwala. Kasabay nito, nanawagan si Philippine Ambassador to Amman Julius Torres sa local media na magsagawa muna ng masusing pagsusuri bago maglabas ng istorya batay sa napapanood na video. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular