ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lacson idinawit ni Jinggoy sa mga kaso ng pagpatay
MANILA â Hinamon ni Senate Pro Tempore Jose "Jinggoy" Estrada nitong Miyerkules si Senador Panfilo Lacson na kasuhan sila ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada kung may hawak itong katibayan na magpapatunay na sangkot sila sa ilegal na gawain, pati na ang pagpatay. Ang hamon ay ginawa ni Jinggoy sa kanyang kontra-talumpati upang sagutin ang ikalawang talumpati ni Lacson nitong Martes kung saan inakusahan nito ang dating pangulo na may kinalaman sa pagpatay kina Salvador Dacer, Emmanuel Corbito at Edgar Bentain. âI believe the most basic and decent thing to do is for Senator Panfilo Morena Lacson to file the necessary charges in the proper court, not only to give the accused the opportunity to defend himself, but more importantly to render justice to everyone," pahayag ni Jinggoy. Ito na ang ikalawang pagsagot ni Jinggoy sa dalawang talumpati ni Lacson na nagsimula noong Sept. 14. Hindi maaaring idemanda ang mga senador na nag-aakusa sa isang indibidwal kahit pribado dahil sakop ito ng kanilang âimmunity" bilang mambabatas. Sa simula ng talumpati ni Jinggoy, pahapyaw nitong pinasadahan ang isiniwalat ni Lacson na pag-uusap sa telepono ng una at dating kaibigan ng mga Estrada na si Charlie âAtong" Ang, na naging testigo sa plunder case ng dating pangulo. Iginiit ni Jinggoy na inimbento lang ni Lacson ang sinasabing pag-uusap sa telepono. At kung totoo man ang naturang pagtawag, labag sa batas na maniktik sa pag-uusap ng mga tao. âAssuming that such a conversation really happened, Mr. Lacson, without saying so, must have illegally obtained these thru wire-tapping. These are the stuff that only a diabolical mind such as Mr. Lacson can be capable of doing," pagdiin ni Jinggoy. Ibinaling din ni Jinggoy kay Lacson ang alegasyon ng pagiging kriminal sa pamamagitan ng pagpapakita ng lumang panayam sa pumanaw na si Francisco âKit" Mateo, kung saan isiniwalat nito na inutusan umano siya ni Lacson patayin sina dating police captain Jimmy Victorino ng Western Police District noong 1986 at Joey de Leon ng Red Scorpion Group noong 1993. Inutos din umano Lacson ang pagpatay sa 20-anyos na pamangkin na babae ni De Leon at isa pang bata na inihulog sa Manila Bay mula sa helicopter. Binuhay din ni Jinggoy ang Kuratong Baleleng case na iniugnay kay Lacson kung saan 11 kasapi ng robbery group ang umanoây nilikida ng Task Force Habagat noong 1995 na nasa ilalim ng pamamahala ni Lacson.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Iginiit pa ni Jinggoy na si Lacson ang may malalim na motibo upang ipapatay ang publicist Salvador Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000. Batay sa sulat umano ni Dacer kay National Security Adviser Jose Almonte noong July 1999, isinumbong ng publicist ang paninira sa kanya ni Lacson. âIn Mr. Dacerâs letter to General Almonte, he complained and identified General Lacson as the one spreading lies to implicate Mr. Dacer to alleged destabilization plots against the Estrada administration," ayon kay Jinggoy. Galit umano si Lacson kay Dacer dahil may ibang inirerekomenda ang biktima upang maging susunod na hepe ng Philippine National Police noong November 1999. Sinipi rin ni Jinggoy ang bahagi umano ng testimonya ng anak ni Dacer na si Sabina Dacer Reyes, sa isang pagdinig ng korte noong July 2008 kung saan nagbilin umano ang biktima sa kanyang anak. âI remembered as I said I had flashbacks in my mind and I was scared and I remembered in two or more of our Sunday brunches with my dad in his house he would tell us, âif anything happens to me mga anak, walang ibang may kagagawan kundi si Ping Lacson," pagsipi ni Jinggoy sa testimonya ni Dacer-Reyes. âMr. President, all these point the motive that Mr. Lacson had to eliminate Mr. Bubby Dacer. And for all intents and purposes, he has the instrument and the capability to do this deed," deklara ni Jinggoy. Kinuwestiyon naman ni Jinggoy kung bakit ngayon lang nagsalita si Lacson tungkol sa nalalaman nitong ilang detalye sa pagkawalan ng casino employee na si Edgar Bentain noong 1999. Sa talumpati ni Lacson noong Martes, sinabi nito na isang araw matapos dukutin si Bentain sa Maynila, isang opisyal ng pulisya ang nagtungo sa bahay ni Estrada sa San Juan para magbigay ng ulat. âAlam pala ni Ginoong Lacson kung sino ang may kinalaman sa sinasabi niyang pagdukot at pagpaslang kay Mr. Bentain, at kung totoo iyan ay kilala niya ang police officer na ito. Nguniât ano ang ginawa niya?" tanong ni Jinggoy. âGinoong Pangulo, noong panahong iyon, si Mr. Lacson ang chief ng PAOCTF. Bakit hindi niya pina-imbestigahan? Ang primary mission ng PAOCTF ay sugpuin ang kidnapping. Bakit alam na pala niya na sa Laguna pinatay si Mr. Bentain, bakit ngayon lamang siya nagsasalita?," idinagdag ng senador na nagpahayag na iyon na ang huli niyang talumpati sa sagutan nila ng akusasyon ni Lacson. - GMANews.TV

Tags: jinggoyestrada, pinglacson
More Videos
Most Popular