ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Tubig na nagpabaha sa 4 na bayan ng Bulacan ‘di raw galing sa Angat Dam
MALOLOS CITYâ Pinabulaanan ng isang opisyal ng National Power Corporation (Napocor) ang mga hinala na galing sa pinakawalang tubig sa Angat Dam ang sanhi ng flash flood sa apat na bayan sa Bulacan noong Sabado. Hindi naalis ni Engineer Rodolfo German, general manager ng Angat Hydro Electric Power Plant (AHEPP) ng Napocor at namamahala sa Angat dam, ang mainis sa mga taong nagbigay ng maling espekulasyon sa dahilan ng pagbaha sa mga bayan ng Bocaue, Marilao, Sta. Maria at Meycauayan. Ayon kay German, ang kumalat na maling balita ay nagdulot lang ng pangamba at maling impormasyon sa libo-libong residente sa Bulacan tungkol sa sistema ng pagpapakawala ng tubig sa dam na matatagpuan sa Hilltop, Norzagaray, Bulacan. Napag-alaman na nagtapon ng 500 cubic meters per second ng tubig ang Angat dam noong Sabado upang hindi umapaw ang tubig sanhi ng malakas na ulan na hatid ng bagyong âOndoy." Nitong Martes, muling nagpakawala ng tubig ang Angat upang paghandaan naman ang paparating na bagyo na inaasahang papasok sa teritoryo ng Pilipinas sa Miyerkules. Sinabi ni German na ipinapaalam din sa kinauukulang mga opisyal sa lalawigan tuwing magpapakawala ng tubig sa dam upang mabigyan ng babala ang mga taong nakatira sa mga tabi ng ilog na dadaanan ng tubig. Ipinaliwanag niya na ang tubig na unti-unting itinatapon sa dam ay makakaapekto lamang sa mga bayan na nasa gilid ng 50 kilometrong Angat river. Ito ay ang mga bayan ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong at Hagonoy. Nilinaw ni German na hindi konektado ang mga ilog ng Sta. Maria, Bocaue, Marilao, at Meycauayan City sa Angat river na pinadaluyan ng tubig ng dam. Kinumpirma naman ito ni Raul Agustin, special operations officer ng Provincial Disaster management Office (PDMO) ng Bulacan. Ayon kay Agustin, natunton ng mga tauhan ng PDMO na ang tubig ng Bocaue at Marilao river ay nagmumula sa mga lungsod ng San Jose Del Monte, Caloocan at Quezon. Naniniwala ito na ang flash flood na naranasan sa Bocaue at Marilao noong Sabado ay sanhi ng malakas na buhos ng ulan sa San Jose Del Monte. Batay sa talaan ng PDMO, umabot sa 1,432 milimetro ng ulan ang nasahod sa kanilang rain gauge na matatagpuan sa Brgy. Kaybanban, San Jose Del Monte City mula 7 a.m. hanggang 10 p.m noong Sabado. âNapakalakas talaga ng ulan sa area ng San Jose Del Monte that day kaya umapaw ang mga ilog doon at ng bumaba sa Bocaue at Marilao ay naging flash flood," paliwanag ni Agustin. Samantala, sinabi ni German na ang water elevation sa dam ay umabot sa 214.63 meters nitong Martes ng umaga, o higit sa 212 meters spilling level. Kaya lamang umano ng dam na magtabi ng tubig hanggang 216 meters, ngunit pinananatili lamang nila tubig hanggang sa 214 meters maintenance level. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular