ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mas maraming babae ang nabibigyan ng trabaho sa gobyerno – DFA
MANILA â Inihayag ng Department of Foreign Affairs na mas maraming babae kaysa sa lalaki ang nabigyan ng trabaho sa gobyerno alinsunod sa sinusunod na programa ng Millennium Development Goals (MDGs). Sinabi ni DFA Secretary Alberto Romulo na seryoso ang pamahalaan na ipatupad ang nakasaad sa MDG lalo na sa pagsusulong ng gender equality at pagpapaunlad sa kasanayan ng mga kababaihan. Batay umano sa talaan ng National Commission on the Role of Filipino Women, sinabi ng kalihim na mayorya sa mga nagsisilbi burukrasya ay mga babae partikular sa technical level. Mula 2004, nakasaad sa talaan ng Civil Service Commission na 57.6 porsiyento sa 1.31 milyong kawani sa gobyerno ay mga babae. Idinagdag ni Romulo na 48.7 porsiyento o tinatayang 1,119 kawani o nagsisilbi bilang mga foreign service worker sa Home Office, foreign service posts at regional consular offices, ay mga babae rin. âThe Philippines remains firmly committed to attaining the MDG-3 goal. The last decade had seen an increase in womenâs participation in the labor force, with 49 percent of all women now working," pahayag ni Romulo sa pagsisimula ng paggunita sa United Nationâs Week nitong Lunes. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na nagbigay ng suporta sa walong programa na nakapaloob sa MDG na itinakda mismo ng mga lider sa ibaât-ibang bansa sa ginanap na UN Millennium Summit na ginanap noong taong 2000. Kasama sa layunin ng MDG ay paglutas sa kahirapan, at pagpigil sa paglaganap ng nakamamatay na sakit na HIV/AIDS. Hangad ng mga bansang pumirma sa pandaigdigang programa na matamo ang mga mithiin sa 2015. Sinabi ni Romulo na pang-anim ang Pilipinas sa 130 bansa na nabigyan ng pansin sa Global Gender Gap report noong 2008. Una rito, pinuna ni UN Secretary-General Ban Ki-moon na âmabagal" ang pagkilos ng mga bansa para makamit ang mithiin ng MDGs. Magpapatawag ang mga opisyal ng UN ng high-level meeting sa Setyembre 2010 upang talakayin ang progreso ng MDG goals sa mga bansang lumagda sa naturang programa. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular