Bayan sa Laguna nilubog ni 'Santi' sa baha
Muling nakaranas ng matinding baha ang ilang komunidad sa lalawigan ng Laguna partikular sa bayan ng Sta. Cruz dahil sa bagyong âSanti" (international name: Mirinae). Nitong Sabado, nanawagan si Sta. Cruz mayor Ariel Magcalas sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) na magpadala rubber boats at helicopters upang sagipin ang kanyang mga kababayan na nasa mga bubungan ng kanilang bahay. âMadaling araw umapaw ang tubig sa ilog ... Ngayon bumaba na (pero) nadagdagan ang 13 barangay na may tubig, binaha ngayon," pahayag ni Magcalas sa panayam ng dzBB radio. Sinabi ng alkalde na malaking dagok ito sa kanyang mga kababayan na hindi pa nakababangon sa pinsalang idinulot ng nakaraang bagyong na si âOndoy" (Ketsana) na humagupit noong Setyembre 26.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig, napilitan umano ang kanyang mga kababayan na umakyat na sa bubong ng kanilang mga bahay. â'Di kami makagalaw, âdi biro ang tubig. Ang taas ng ilog ngayon, kailangan ng tulong," pagsumamo ng lokal na lider. Sa hiwalay na ulat ng dzRH radio, lubog sa baha ang mga kalsada sa Los Baños, Laguna at hindi madadaanan ng mga maliliit na sasakyan. Wala ring kuryente sa ilang bahagi ng lalawigan simula nitong 3 am dahil sa hagupit ni Santi. â GMANews.TV