ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Durog na puso sa bawal na pag-ibig


Hello po sa lahat...God Bless po sa GMANews.TV, at hello rin po kay lrej ng Angola - na nagpadala ng kuwento na Pinoy in Angola). Gayundan kay Nicole na nasa Dubai. Actually po kaya ako sumulat dahil sa kuwento ni Nicole ng Dubai.... ate ( tawagin kita ate ha? ‘yan kasi tawag ko sa mga kasamahan na Pinoy dito). Ate, kuya respect po ba, matanda or bata. Para kasing d’yahe kung sa name ba ang tawagan. Medyo buhay ko yata ang sinulat mo Nicole. Parang hawig ba sa buhay abroad ko.... (copy cat) he he he. May nabasa ako na itapon mo na raw ang mga bagay na nagpapasakit sa’yo. Huwag mo na raw hintayin na ikaw ang itapon niya kasi sobrang sakit daw. Sorry ‘di ko na ma-remember ang tamang sentence. Babasahin ko uli sa email ko. Ganun pa man siguro kasama ‘yan sa mga pagsubok natin sa buhay abroad. Ang boyfriend ko may family rin sa Pilipinas at ayaw raw na masira ang family niya. Kaya ako, kahit parang durog-durog na ang puso ko, unuunawa ko pa rin siya. Super sakit po.... at sa ganyan na relasyon walang peace of mind po. (Basahin ang kuwento ni Nicole: Bawal na Pag-ibig)


Aminin natin na talagang wala tayong peace of mind at pa ‘di ka rin makaharap sa tao ng diretso. Laging may takot sa puso mo, takot na humarap sa Panginoon. Pilipino tayo, may takot sa Panginoon.
– Emelda
Aminin natin na talagang wala tayong peace of mind at pa ‘di ka rin makaharap sa tao ng diretso. Laging may takot sa puso mo, takot na humarap sa Panginoon. Pilipino tayo, may takot sa Panginoon…pero medyo ngayon may peace of mind na ako ng konti. Sana magtuloy-tuloy na ito. Masakit pero dapat mangyari kasi talo tayo Tita. Mag-pray ko na lang sa Panginoon na sana dumating or ibigay naman ni Papa Jesus ang para sa akin. Huwag lang siguro tayong magmadali. Focus na lang muna ako sa trabaho para sa mga anak ko. May dalawa aking anak pero walang asawa. Single mother po ako kaya sana GMANews.TV maihanap n’yo ako ng papa he he he. Malay natin kakasulat ko sa inyo may magka-interest ‘di ba? Kaya Tita Nicole kaya natin ‘yan, pray hard lang tayo. May simula at wakas, mag-start na sana ang bagong buhay at matuldukan na ang bad. Emelda Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!