Paglikas sa ilang residente sinimulan dahil sa banta ng bulkang Mayon
Sinimulan ng ilikas ang ilang residente sa paligid ng nag-aalburutong bulkan Mayon sa lalawigan ng Albay matapos itong magbuga ng abo noong Miyerkules. Sa ulat ng dzRH radio, tinatayang 390 pamilya, o 1,665 tao mula sa dalawang barangay sa bayan ng Daraga ang inilikas at pansalamantalang pinatuloy sa Daraga Supermarket. Nakatakda umanong makipagpulong ngayong Biyernes ang mga lokal na opisyal sa mga kinatawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) para talakayin ang aktibidad ng bulkan. Una rito, pinayuhan ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng Mayon na maging handa sa posibleng paglikas matapos itong magbuga ng abo noong Miyerkules. Pinayuhan din ni Renato Solidum Jr., pinuno ng Phivolcs, ang publiko na kaagad na linisin ang abo na ibinuga ng bulkan dahil magdudulot ito ng peligro sa kalusugan. âSiguro kailangan natin i-remind ang ating kababayan ang pagbagsak ng abo may health hazard âyan tulad ng paglanghap ng pino na abo dapat iwasan. âPag nagkaroon ng pagbagsak ng abo saraduhan ang bintana,â pag nasa labas takpan ang ilong ng panyo o basang damit linisin agad," payo ni Solidum sa panayam ng dzBB radio. Posible pa umanong magbuga ng abo ang Mayon na kasalukuyang nasa Alert Level 2. Sinabi ni Solidum na patuloy na minamatyagan ng Phivolcs ang aktibidad ng bulkan partikular sa pagpapalabas nito ng magma. âWala pa sa ganoon ang ganoong pangyayari (pero) âdi natin masabing malayo talaga. Posibleng magpatuloy ang activity," ayon sa opisyal. Pinaalalahanan ni Solidum ang mga residente na huwag tumawid sa pinaiiral na 6-km permanent danger zone sa paligid ng bulkal, 7-km extended danger zone sa Legazpi City-Daraga area. - GMANews.TV