ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Villar binasbasan ni Cebu Cardinal Vidal
CEBU CITY â Tumanggap ng basbas mula sa maipluwensiyang si Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal ang presidential candidate na si Senator Manuel Villar Jr. nang magtungo ito sa lalawigan nitong Sabado. Ngunit paglilinaw ni Villar, ang basbas na hiningi niya kay Vidal ay para sa esperituwal at walang kinalaman sa kanyang kandidatura para sa darating na halalan sa Mayo. âHindi ako humingi ng endorsement dahil si Cardinal ay isa sa pinakamataas na spiritual leader ng Catholic Church sa ating bansa," pahayag ni Villar sa media. âSapat na sa akin na ipagdasal niya ako at ang ating misyon," idinagdag ng senador. Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Vidal na ikinalugod niya ang ginawang pagdalaw sa kanya ni Villar sa Archbishopâs Palace sa Cebu City. âIâm happy he found time to see me. I know he was always really kind," ayon kay Cardinal Vidal, sabay paglarawan kay Villar na isang matagal na kaibigan. âHe visited because he is an old friend, ever since he was in government, especially when he became President of the Senate," kuwento pa niya. Nang tanungin kung ano ang ibinigay niyang mensahe kay Villar, tugon ni Vidal, âkeep well your health and pray to the Lord." Bago makipagkita kay Vidal, nag-ikot ang mga kandidato sa pangunguna ni Villar sa Opon Public Market sa Lapu-Lapu City, at sa Barangay Suba in Cebu City. Kasama ni Villar si NP senatorial candidates Gilbert Remulla, Adel Tamano, Satur Ocampo, L iza Maza, Susan Ople and Gwen Pimentel, at Martin Querubin, na kumakatawan sa nakapiit na ama na si (Ret.) Col. Ariel Querubin. Naunang umalis sa grupo si NP vice-presidential candidate Sen. Loren Legarda na nag-ikot sa Carbon Public Market sa Cebu City bago lumipad pabalik ng Maynila dahil mayroon umano itong dadaluhang pagtitipon. â GMANews.TV
Tags: mannyvillar, cardinalvidal
More Videos
Most Popular