
Nikka Corsino
Sinimulang ipagdiwang sa Baguio City ang âPanagbenga" festival noong 1996. Pero bago nito, ang unang dapat ipapangalan sa selebrasyon ay âflower festival" na itinakdang gawin sa buong buwan ng Pebrero. Taong 1995 â limang taon makalipas mapinsala ang Baguio sa napakalakas na lindol - nang imungkahi ni Atty. Damaso E. Bangaoet, Jr., na magkaroon din ng aktibidad ang sikat na pasyalan tuwing kapistahan tulad ng ginagawa ng ibang lalawigan. At dahil kilala ang Baguio sa magagandang bulaklak, dito naisipan ni Atty Bangaoet na magdaos ng âFlower" festival. Subalit sa halip na itaon ito sa Setyembre na buwan nang pagkakatatag ng lungsod, ginawa ang festival sa buong buwan ng Pebrero. Ang finale ng kapistahan ay kinatatampukan ng magarbong parada ng mga bulaklak. Dahil maituturing pang panahon ng tag-ulan ang Setyembre, inaasahang hindi magiging matagumpay ang parada. Dahil dito, iminungkahi ni Atty Bangaoet na gawin ang selebrasyon sa Pebrero kung saan tapos na panahon ng Kapaskuhan at pagsisimula naman ng Holy Week o summer. Kasunod ng pagtatakda ng buwan, ang archivist at curator na si Ike Picpican ang nagmungkahi noong 1996 na opisyal na gamitin ang titulong 'Panagbenga', na sa salitang Kankanaey ay "season of blossoming," o panahon ng pamumulaklak. -
Fidel Jimenez, GMANews.TV