ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
SWS survey: Aquino, Villar gitgitan kung ngayon gagawin ang halalan
MANILA â Mahigpit ang laban nina Senador Simeon "Noynoy" Aquino III at Manny Villar Jr. kung ngayon gaganapin ang halalan matapos halos magtabla sila sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa survey na ipinagawa ng BusinessWorld sa SWS, lumitaw na nakakuha si Aquino ng 36 porsiyento, kumpara sa 34 porsiyento ni Villar. Ang nakuha ni Aquino ay mas mababa ng anim na puntos kumpara sa rating niya noong Enero (42%), habang isang puntos naman ang nalagas kay Villar (35%). Ang survey ay ginawa noong Feb. 24-28, na may 2,100 respondents sa buong bansa, at may margin of error na two percent, paliwanag ng SWS nitong Martes. Gumamit din ng bagong sistema ang SWS sa pagtatanong kung saan pinasagot ang mga respondents sa pamamagitan ng âsample ballot." Nakasaad sa tanong na: âKung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang pinaka-malamang ninyong iboboto bilang Presidente, Bise-Presidente, at mga Senador ng Pilipinas? Narito ang listahan ng mga kandidato. Paki-shade o itiman po ang naa-angkop na oval katabi ng pangalan ng taong pinaka-malamang ninyong iboboto." 
Ang resulta ng SWS ay malayo sa pinabagong survey ng Pulse Asia na ginawa noong Feb 21-25 kung saan lumitaw na lumaki ang lamang ni Aquino (36%) kay Villar (29%) ng anim na puntos. Nasa ikatlong puwesto naman si dating pangulong Joseph Estrada na may 15 porsiyento, at sinundan ni administration standard bearer Gilberto Teodoro Jr na anim na porsiyento. Kumpara sa survey noong Enero, umangat ng tig-dalawang puntos sina Estrada, at Teodoro. Nakakuha naman ng tatlong puntos si Bro Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas, habang dalawang porsiyento naman kay Bagumbayan standard bearer Sen Richard Gordon. Hindi naman umabot sa isang porsiyento ang nakuhang puntos nina Vetellano Acosta (0.4%), Nicanor Perlas (0.02%), Sen Jamby Madrigal (0.1%), at JC delos Reyes (0.01%). Si Acosta, pambato ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) party ay diniskuwalipikang tumakbo ng Commission on Elections (Comelec).
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Malakas sa âmasaâ Sa antas ng pamumuhay, lumilitaw na si Aquino at hindi sina Villar o Estrada ang paborito ng 'masa' matapos manguna ang pambato ng Liberal Party sa mga napipisil ng Class D na maging pangulo ng bansa. Si Villar ang paborito ng mga nakaririwasa o nasa Class A,B,C at ng mga pinakamahirap na nasa Class E. Nabawasan naman ng dalawang puntos ang 36 puntos na dating nakukuha niyang suporta sa mga pinakamahirap o mga taong nasa class E. âThe key change from the January 21-24 survey in class ABC was that both Villar and Aquino lost seven points, while Estrada gained four points and Teodoro gained two points," ayon sa SWS. Lumitaw na 6 puntos ang nalagas kay Aquino sa suporta ng Class E, habang nadagdagan naman si Teodoro ng 3 puntos at dalawang puntos kay Estrada. Ayon kay Villar, masaya siya sa resulta ng SWS survey at hindi na niya kailangang magpalit ng mga tauhan bagaman may mga pagbabago umano na kailangang gawin sa taktika ng pag-iikot niya sa bansa. "Ako ay natutuwa sa survey, malayo din naman ang pinanggalingan namin. Nangangahulugan na dapat lalong magtrabaho. Naniniwala kami na sa darating na panahon mauunawaan pa ng mga kababayan natin ang aming kakayahan at layunin," paliwanag ni Villar. Kasalukuyang nasa lalawigan ng Davao si Villar para dumalo sa "Sukatan 2010," ang presidential forum na inorganisa ng religious group na Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy. "Kailangan lang mag-finetune. Walang dahilan para magpalit ng strategy o tao dahil yung mga kasama natin ay kasama na noon pa," paliwanag ng senador. "Itong ginagawa ay tama at tuluy-tuloy lang. Mag-a-adjust lang ng kaunti para bumilis ang pagtaas. Itong survey ay nagbibigay ng information kung paano mas gaganda ang performance." - GMANews.TV

More Videos
Most Popular