ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Magat Dam nasa critical level na; power plant isinara
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya â Pansamantalang isinara ang Magat Hydroelectric plant simula nitong Miyerkules, matapos umabot na sa kritikal na antas ang tubig sa Magat dam. Ayon kay Atty Mike Ossilos, tagapagsalita ng SN-Aboitiz Power (Snap-Magat), hindi na kayang lumikha ng enerhiya ang planta dahil sa kakulangan ng tubig. Sa halip, gagamitin na lamang umano ang sitwasyon para sa taunang maintenance ng planta. Ang normal na antas ng tubig ng dam ay 183 metro, at nasa 160 metro ang operating level nito. Sanhi ng matinding init at kawalan ng ulan, bumagsak na sa 153.35 metro ang antas ng tubig sa dam. Sinabi sa GMANews.TV ni Ossilos nitong Biyernes na mas matindi ang pagbaba ng tubig ngayong taon kumpara sa inabot na critical level na 156.22 metro na naitala noong 1992. Bago isara ang Magat dam, lumilikha ang planta ng 30 megawatts (MW) na enerhiya, mas mababa sa normal nitong nililikhang enerhiya na 90 MW. Nag-abiso na rin nitong Huwebes si Saturnino Tenedor na mapipilitan silang isara ang gate na daanan ng tubig para sa irigasyon kapag bumagsak pa sa 150 metro ang antas ng tubig sa dam.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Tiniyak naman ni Ossilos na kaagad nilang ibabalik ang operasyon ng dam sa sandaling bumalit sa normal ang antas ng tubig nito para makalikha ng enerhiya. âWe will use this period of temporary shutdown to implement annual preventive maintenance activities of the plant," pahayag ng opisyal. Samantala, inihayag ng mga opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaaring maiwasan ang brownout sa Cagayan Valley hanggat nasa maayos na kondisyon ang mga power-generating facilities. Ayon kay Alexander Alvarez, opisyal ng NGCP Santiago City Sub-Station, kailangang tiyakin ng mga nagmamantene ng mga power-generating plant katulad ng Magat hydroelectric plant sa Ramon, Isabela na maayos ang kondisyon ng mga makina nito para maiwasan ang problema sa suplay ng kuryente. Ginawa ni Alvarez ang pahayag kasunod ng pangamba na magkaroon ng salitang blackout sa rehiyon bunga ng pagbaba ng antas ng tubig sa Magat dam. Naunang iniulat na ilang power plants ang nagkakaroon na ng sira, habang nagbawas naman ng suplay ang ilang hydroelectric power plants sanhi ng kakulangan ng tubig. Ilang sa mga power plant na nakaranas kamakailan ng âbreakdown" o isinailalim sa maintenance ay ang Masinloc 1, Zambales, Sta. Rita module 30 at Calaca 2, kapwa in Batangas and Sual in Pangasinan. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular