OFW gives birth on plane; baby gets unique name
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ â na hango sa eroplano na sinakyan nilang mag-ina. Sa ulat ni GMA News reporter Kara David sa primetime newscast na 24 Oras nitong Biyernes, sinabing hindi ipinaalam ni Mylene Molina sa crew ng Singapore Airlines flight âSQ-491," na walong buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan nang sumakay sa Dubai noong Marso 12. Sa patakaran ng mga airline company, hindi na dapat payagang sumakay ang mga buntis na 32 to 36 weeks na ang dinadala sa kanilang sinapupunan. Kaya naman habang nasa biyahe ang eroplano, biglang sumakit ang tiyan ni Mylene at pumutok ang kanyang panubigan, ayon kay David.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âNagsabi siya sa aming crew na siya pala ay eight months pregnant so kaagad tinulungan ng crew at nag-page ng duktor on board. And weâre lucky that may doctor on board so tinulungan siya ng crew at doctor on board na iluwal yung baby," pahayag ni Rita Dy, marketing and communication manager ng Singapore Airlines. Ibinaba ang mag-ina pagdating sa paliparan ng Singapore. At pagkaraan ng ilang araw matapos makapagpahinga ay pinayagan na ang mag-ina na bumiyahe pauwi ng Pilipinas. âAkala ko po kasi parang normal lang kasi nang three weeks naglakad-lakad kami kasama ng mga kaibigan ko, na ganun din po ang nangyari eh hindi po ako nakapasok sa work. Inakala ko na normal lang po na sakit," kuwento ni Molina. âNagpapasalamat po talaga ako sa Panginoon dahil Siya ang gumabay sa akin, sa pangangak ko even though wala po ang parents ko," idinagdag ng OFW. â FRJ, GMANews.TV