ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kilalang P.U.P. ngayon, ano ito noon?


Kinikilala ngayon bilang unibersidad ng mga anak ng masang Pinoy ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa mura nitong matrikula. Pero alam nyo ba kung ano ang pangalan ng pamantasan nang una itong itatag noong 1904? Oktubre 1904 nang itatag ng pamahalaan ang Manila Business School (MBS) na ngayon ay kilala na bilang PUP. Ang unang gusali nito ay makikita sa panulukan ng Gunao St, at Arlegui sa Quiapo. Itinayo ang MBS para makatulong sa pagsasanay ng mga kawani ng pamahalaan. Partikular na itinuro rito ang vocational-technical courses katulad ng typing, bookkeeping, stenography, and telegraphy.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pagkalipas ng apat na taon, itinaas ang antas ng MBS mula sa pagiging lokal na paaralan tungo sa nasyunal dahil marami na ring mga estudyante nito ang nagmumula sa mga lalawigan. Mula sa MBS ay pinalitan na ang pangalan nito bilang Philippine School of Commerce (PSC). Taong 1911 nang isailalim ang pamamahala ng PSC sa Superintendent of City Schools for Administrative at nagkaroon ng produksiyon ang unang grupo ng mga magsipagtapos. Mula 1933, nakipagsanib puwersa ang PSC sa Philippine Normal School (PNS) at Philippine School of Arts and Trades na tumagal ng 12-taon. Ang pamamahala sa merger ay ipinaubaya sa PNS Superintendent. Sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 778 na pinirmahan ni dating pangulong Elpidio Quirino noong June 1952, pinalitan ang pangalan ng PSC at ginawang Philippine College of Commerce (PCC). Pagkaraan ng 26 na taon, nilikha ang Presidential Decree (PD) 1341 noong 1978 para palitan ang pangalan ng PCC at gawin na itong Polytechnic University of the Philippines (PUP). - Fidel R. Jimenez, GMANews.TV

Tags: pinoytrivia