ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Planuhin na ang bakasyon: 2 long weekends ngayong Abril


MANILA – Markahan na ang kalendaryo at planuhin na ang bakasyon para sa dalawang long weekend ngayong Abril. Ang unang long weekend ay mangyayari ngayong Semana Santa na magsisimula sa Abril 1 (Maundy Thursday) hanggang Abril 4 (Easter Sunday). Ang ikalawang long weekend ay papatak sa Abril 9 (Biyernes) para gunitain ang taunang Araw ng Kagitingan. Idineklara ng Malacanang na regular non-working holiday sa Abril 9.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, idineklara rin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na special non-working holiday sa Abril 3 (Black Saturday), habang regular, “movable" non-working holidays naman ang Abril 1 at 2. Ang “movable" holiday ay mga petya na kadalasang pumapatak sa ‘five-day workweek’ at iniuurong ni Gng Arroyo sa Lunes o Biyernes para humaba ng tatlong araw ang weekend. Layunin ng pag-uurong sa mga araw na “holiday" na palakasin ang lokal na turismo sa bansa kung saan hinihikayat ng pamahalaan ang mga Pilipino na magbakasyon. Tinatayang aabot sa 11 ang long weekend sa bansa ngayong taong 2010. Karamihan sa mga long weekend ay nasa mga buwan ng Abril, Agosto, Nobyembre at Disyembre. - GMANews.TV