ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Villar bagsak sa Pulse Asia survey; ‘Villarroyo’ nakikitang dahilan ng analyst
MANILA â Bumuka sa 12 porsiyento ang kalamangan ni Liberal Party presidential bet Sen Benigno âNoynoy" Aquino III laban kay Nacionalista Party standard bearer Sen Manny Villar sa pinakabagong survey ng Pulse Asia. Sa survey na ginawa noong Marso 21-28, at may3,000 respondents, nakakuha si Aquino ng 37 percent na mas mataas ng isang porsiyento noong Pebrero. Bumagsak naman si Villar sa 25 percent matapos malagasan ng apat na porsiyento kumpara sa nakaraan niyang marka. Hindi naman gumalaw ang mga rating nina dating pangulong Joseph Estrada (18%) at administration bet Gilberto "Gibo" Teodoro Jr., (7%). Samantala, nakakuha naman ng tig-2 porsiyento sina Bagumbayan presidential bet Senator Richard Gordon at Bangon Pilipinas standard bearer Eddie Villanueva.
Source:Pulse Asia Ang iba pang kandidato sa panguluhan ay hindi na umabot sa isang porsiyento ang nakuhang marka. Ang survey ay may 2 percent margin of error, ayon sa Pulse Asia. Kapuna-puna naman na lumubo sa siyam na porsiyento ang mga respondent na âundecided" (walang pinili) kumpara sa anim na porsiyento noong nakaraang Pebrero. Lumitaw sa survey na nakalalamang si Aquino kina Villar at Estrada sa lahat ng rehiyon at maging sa socioeconomic classes. Tumatalab ang âVillarroyoâ Naniniwala naman ang political analyst na si Benito Lim na tumatalab ang taktika ng mga kalaban ni Villar na idikit ang pangalan nito kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. "That perception might have been to blame. Nobody likes the President, so she can drag anybody down," paliwanag ni Lim sa panayam sa telepono ng GMANews.TV nitong Martes.
Source:Pulse Asia Iginiit naman ng kampo ng LP na bumabagsak ang ratings ni Villar dahil sa hindi nito pagsagot sa mga alegasyon na ibinabato sa kanya tulad ng C-5 road project at iba pa. "Villarâs drop in his numbers is a result of his refusal to face and honestly answer issues and questions from his peers on C-5 and questions raised by [columnists] Winnie Monsod, Billy Esposo and Conrad de Quiros regarding Villarâs claim that he came from the poor," ayon sa text message ni Quezon Rep. Lorenzo Tañada III, tagapagsalita ng LP. Idinagdag ni Tanada na "open secret" na umano na si Villar ang lihim na kandidato ng administrasyon. Kasabay ng pagtanggi ni Villar na may lihim siyang ugnayan kay Gng Arroyo, iginiit naman ni Teodoro na siya pa rin kandidato ng administrasyon at paninira lamang ang mga ikinakalat na balita na wala na sa kanya ang suporta ng Malacanang.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Resbak ni Villar Sa kabila ng pagbaba ng ratings ni Villar, naniniwala si Lim na pansamantala lang ito dahil kilala umano ang pambato ng NP na nakababalik sa âratings game." "This kind of decline is not permanent. It is only temporary because you see that Villar is fighting back," pahayag niya. Mula nang magdeklara si Aquino noong Setyembre na sasali sa karera sa panguluhang halalan sa Mayo 2010, tinabunan nito ng hanggang 20 porsiyentong kalamangan sa ratings si Villar. Ngunit sa huling bahagi ng 2009 hanggang sa unang bahagi ng 2010 ay unti-unti umangat si Villar, habang bumababa naman ang marka ni Aquino. Binigyan-diin ni Lim na asahan na makakaapekto sa mga kandidato sa nasyunal ang simula ng kampanya ng mga lokal na kandidato nitong Marso 26. "Presidential bets will now court local candidates [to win their endorsements]. The one who will spend the most amount of money to win them over... has the likely chance [of winning]," ayon sa tagamasid politikal. Sa mga nakaraang buwan, ilang kaalayado sa lokal ng administrasyon ang lumipat ng suporta kay Villar. Pinakahuli sina dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson, at Bukidnon Gov. Jose Maria Zubiri. - FRJ, GMANews.TV
Source:Pulse Asia
Source:Pulse AsiaFor the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Resbak ni Villar Sa kabila ng pagbaba ng ratings ni Villar, naniniwala si Lim na pansamantala lang ito dahil kilala umano ang pambato ng NP na nakababalik sa âratings game." "This kind of decline is not permanent. It is only temporary because you see that Villar is fighting back," pahayag niya. Mula nang magdeklara si Aquino noong Setyembre na sasali sa karera sa panguluhang halalan sa Mayo 2010, tinabunan nito ng hanggang 20 porsiyentong kalamangan sa ratings si Villar. Ngunit sa huling bahagi ng 2009 hanggang sa unang bahagi ng 2010 ay unti-unti umangat si Villar, habang bumababa naman ang marka ni Aquino. Binigyan-diin ni Lim na asahan na makakaapekto sa mga kandidato sa nasyunal ang simula ng kampanya ng mga lokal na kandidato nitong Marso 26. "Presidential bets will now court local candidates [to win their endorsements]. The one who will spend the most amount of money to win them over... has the likely chance [of winning]," ayon sa tagamasid politikal. Sa mga nakaraang buwan, ilang kaalayado sa lokal ng administrasyon ang lumipat ng suporta kay Villar. Pinakahuli sina dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson, at Bukidnon Gov. Jose Maria Zubiri. - FRJ, GMANews.TV
More Videos
Most Popular