Nagkakalat ng 'Villarroyo' walang magawang matino -- Rep. Dato Arroyo
Matapos atasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kapartido sa Lakas-Kampi-CMD na kumilos upang ipanalo ang kanilang manok sa panguluhang halalan, sinabi naman ni presidential bet Gilberto âGibo" Teodoro na kahit minsan ay hindi siya nagduda sa suporta ng Malacanang. Sa ambush interview ng mga mamamahayag kay Teodoro na nangampanya sa Pampanga nitong Miyerkules, sinabi ng dating kalihim ng defense department na sadyang pang-iintriga lamang ng kanyang mga kalaban na may ibang kandidatong sinusuportahan si Arroyo. âYou know, I have never felt any change, there is always been support. This (Villarroyo issue) are just black propaganda rumors circulating, that is why they have to call the Execom (Executive Committee) just to show that these things are not true. But there is no change in support and the support is always been there," paliwanag ni Teodoro. âI have always been convinced (sa suporta ni Gng Arroyo). Never have I made any statement in public that there was no support, it has always attributed to somebody else, but not to me," pahayag pa niya. Ang âVillarroyo" ay ikinalat ng ibang partido (partikular ng Liberal Party ni presidential bet Sen Benigno âNoynoy" Aquino III) na nagpapakita na si Nacionalista Party presidential bet Sen Manny Villar ang lihim na kandidato umano ni Arroyo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kamakailan ay pinangunahan mismo ni Arroyo ang pulong ng ExeCom ng Lakas-Kampi-CMD matapos kumalat ang mga balita na tumawag si First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa mga Garcia ng Cebu upang atasan ang mga ito na bitawan si Teodoro at suportahan si Villar. Bukod kay Teodoro, pinabulaanan din ni Cebu Gov. Gwen Garcia ang lumabas na ulat tungkol sa pagtawag ni G Arroyo. Nitong Miyerkules ay kalalabas lang ng Unang Ginoo sa pagamutan matapos maratay ng ilang araw sa Saint Lukeâs Hospital dahil sa sakit sa puso. Muli namang inihayag ni Teodoro na hindi siya aatras sa karera sa panguluhan. âThatâs a canard. More than anything else, myself respect is more important and Iâll not quit." Walang magawang matino Kinastigo rin ni presidential son at Camarines Sur Rep. Diosdado âDato" Arroyo, ang pagpapakalat ng katagang âVillarroyo" upang maghatid ng intriga sa partido ng administrasyon na may ibang kandidato na sinusuportahan ang kanyang mga magulang. âOur bet is Gibo Teodoro. My father has said walang ganoon. In fact, the other camp has said walang ganoon so ang mga nagsasabi niyan ay âyung walang magawang matino," ayon sa nakababatang Arroyo. Si Dato mismo ang nagmaneho ng sasakyan na ginamit ni Teodoro nang mangampanya ang huli sa distrito ng kongresista sa Camarines Sur nitong Martes. âThis is not to dispel any rumors because hindi naman kasi kailangang bigyan pa ng pansin ang mga rumors na wala naman talaga sa katotohanan," idinagdag ng kongresista. Tiniyak naman ni Baguio City Rep. Mauricio Domogan, opisyal ng Lakas-Kampi-CMD, na mananatili sa panig ni Teodoro ang mga kapartido hanggang matapos ang halalan at maipanalo ang kanilang pambato. âWe are not faltering and we are not changing. We are decisive and united to support the candidacy of Teodoro for president," aniya. âThe party and President Arroyo are supporting Teodoro, anyway intrigue is part of the campaign season." Idinagdag naman ni Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa, bagong pinuno ng Lakas-Kampi-CMD, na naresolba na umano ang mga gusot sa partido lalo na sa pondo para masiguro ang panalo ni Teodoro. âThe President told me that I better work on all the concerns that have to be addressed. Youâre the chairman so do something about all of these. We have already addressed all the issues," pagtiyak ni Villarosa. - GMANews.TV