ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Arsobispo sa mga kandidato: Itigil ang siraan, ilahad ang plataporma
MANILA â Pinayuhan ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko ang mga kandidato sa panguluhang halalan na itigil ang siraan at igalang ang isaât isa alinsunod sa aral ng Diyos. Ipinaalala ni Capiz Archbishop Onesimo Gordoncillo, na lahat ng tao - maging ang mga kandidato â ay anak na Diyos kaya hindi nararapat na magsiraan sila dahil lamang sa halalan. Pinuna ni Gordoncillo na wala na umanong kandidato na nagsasabi ng maganda sa kanyang kapwa kandidato kapag humarap sa media. Aniya, hindi gawain ng isang maginoo ang manira ng kapwa. âIf they want to serve dapat ipakita nila sa mga kandidato what they have done, what they will do para sa ikauunlad ng bayan. Dapat ipakita nila na nagkakasundo sila sa isaât isa. Iwasan nila ang bangayan at pagsisiraan sa isaât isa," pahayag ng arsobispo sa panayam ng Radyo Veritas nitong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa hiwalay na panayam kay Rev. Fr. Kunegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sinabi nito na dapat ipakita ng mga kandidato na kaya nilang maging magandang halimbawa sa publiko lalo na sa kabataan. Hindi umano maganda ang ipinakikitang pagbabatuhan ng alegasyon ng mga kandidato sa mga tao na nais nilang pagsilbihan kapag nanalo sa darating na halalan sa Mayo 10. "Kaya isang pananda ito sa atin na kung ang mga tumatakbo sa pagka-pangulo ay ginagamit ang ganitong paraan upang kunin ang pakinabang sa sarili kahit na manira o magtapon ng putik sa kanilang kapwa kandidato abaây mag-isip-isip tayo," payo niya. Kahit sinasabing ito ang pinakamaruming kampanya ng pulitika sa bansa, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Gordoncillo na magiging politically mature ang mga Pilipino sa pagpili ng iboboto nilang kandidato. âThey should not fool them sa mga promises na hindi naman matutupad. Ang tao ang may power to choose better leaders," ayon sa arsobispo na nanawagan din sa mga kandidato na igalang ang magiging resulta ng halalan. - GMANews.TV

Tags: 2010elections
More Videos
Most Popular