ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sino ang unang itinanghal na Binibining Pilipinas?

Ang patimpalak pagandahan na ito ay ginawa ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) upang makalikom ng pondo na inilalaan sa mga aktibidad at proyektong makatutulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
Ginawa ang unang koronasyon ng Bb. Pilipinas noong 1964 kung saan tinanghal na kauna-unahang Bb. Pilipinas si Maria Myrna Sese Panlilio. Si Panlilio ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant nang taong din iyon ngunit hindi pinalad na manalo.
Hulyo 2009 nang pumanaw si Ms. Panlilio dahil sa sakit. Naging opisyal din siya ng PBCI at Executive Director ng Nayong Pilipino.
Noong Marso 2009, magkaroon ng kontrobersiya kina Ms Panlilio at ang aktres at 1982 Bb. Pilipinas Universe na si Ma. Isabel Lopez.
Lumabas sa mga balita na hindi pinayagan ni Ms. Panlilio si Lopez na manatili sa ginanap na pageant night dahil wala umanong imbitasyon ang huli. Hinala ni Lopez, may kinalaman ang ginawa niyang pagpapa-seksi sa pelikula noong dekada 80 kaya siya pinapaalis ni Panlilio sa pagtitipon. - FRJ, GMANews.TV
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular