ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Publiko pinaghahanda ng PAGASA sa mas matinding init
MANILA â Kung tagaktak na ang pawis sa nararanasang ârecord high" na 36.8-degree init ng panahon sa Metro Manila, ihanda na ang katawan sa mas matinding init sa susunod na buwan. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng umabot sa 41˚C ang temperatura sa Metro Manila sanhi ng nararanasang El Nino phenomenon. âInaasahan natin aabot pa 'yan pwede higit 37 o 38 degrees Celsius ... (Pero) kung 36 na sinasabi ng PAGASA, 'yan ay kung nasa lilim ka. Kung ikaw ay nasa labas maaaring âyan ay 40 to 41 degrees Celsius," paliwanag Nathaniel Cruz, hepe ng PAGASA sa panayam ng dzRB radio nitong Sabado. Dahil dito, muling pinaalalahan ni Cruz ang publiko na iwasang mababad sa init ng araw mula 10:00 am hanggang 3:00 pm kung kailan matindi ang sikat ng araw. Makabubuti rin umano na laging uminom ng tubig para mapalitan ang likido sa katawan na lumalabas sanhi ng init (pawis) upang makaiwas sa dehydration at heat stroke.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kabilang sa mga pinaalalahanan ni Cruz ang mga kandidato na wala nang tigil sa pangangampanya dahil nalalapit na ang halalan sa Mayo 10. Sa pagtaya ng PAGASA, inaasahan nila na tatagal ang mainit na panahon sa Metro Manila hanggang sa huling bahagi ng Hunyo. Nitong nakaraang Martes at Huwebes, pumalo sa pinakamataas na 36.8 degrees ang temperature sa Metro Manila. Sa hiwalay na panayam kay Health Secretary Esperanza Cabral, pinayuhan nito ang mga nakatatanda, lalo na ang mga may high blood na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay. Makabubuti rin umano kung maluluwag na damit ang isusuot at may light-color para kahit papaano ay maginhawahan ang katawan. Idinagdag ni Cabral na kailangan suriin palagi ang mga natitirang pagkain dahil mas madali itong mapanis kapag mainit ang panahon lalo na ang may sangkap na mayonnaise. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular